Willie kailangang magbawas ng staff sa ‘Wowowin’, balak mag-live show sa Puerto Galera
BILANG pag-iingat at pagsunod sa health protocols sa season 2 ng enhanced community quarantine ay inamin ng “Wowowin” host na si Willie Revillame na talagang apektado na ang programa niya.
Inamin ng TV host na kinailangan niyang magbawas ng staff at iilan lang ang kinakailagang mag-report sa studio. Hindi na rin muna niya pinagre-report ang kanyang mga dancers
Ayon kay Willie, “Nagbawas po kami ng mga staff, sumusunod kami sa requirement na 30% lang. So, ‘yung mga ganitong bagay idi-discuss ko muna lahat. Wala muna kaming mga dancers, of course, naiintindihan naman nila ‘yon.
“Kailangan ho ay safety first. Kasi kapag ako ho ay nagkasakit, eh lahat sila, magku-quarantine. At the same time, mawawala ho ‘yung programa. So, maingat ho kami. Iilan na lang ho kami dito. Kokonti na lang ho kami,” aniya pa.
Automatic naman na lahat silang nasa loob ng studio ay naka-face mask and face shield.
“Lahat ho kami rito, required kami, sumusunod kami sa ating pamahalaan na naka-face mask and face shield. Even sa pagkain namin talaga, malalayo na. Kakain nga ho ako, mag-isa lang. Dati, kasama ko ‘yung mga staff,” paliwanag ni Willie.
Nabanggit pa na nakipag-usap na raw si Willie sa GMA 7 management at nag-suggest siya na mag-lockdown sila with the staff at sa ibang venue ang show.
“Baka ho, at nakikiusap ako, para ho mag-lockdown kami mismo, eh baka ho by next week, doon muna kami sa ibang lugar. Kami po ay magba-bubble.
“Sa Puerto Galera po ako magso-show at maganda naman, kukumustahin natin ang ating mga kapatid nating katutubo ro’n. Baka ho next week ganu’n ang mangyari, pag na-approve kami,” sabi pa ng TV host.
Dire-diretso pa rin daw ang pagtulong ng “Wowowin” sa ating mga kababayan kahit pa nasa ECQ ngayon ang NCR plus bubble at nasa halagang P3 million na rin ang naipapamahagi nilang bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.