Pokwang may bagong negosyo para sa lahat ng 'kulay', walang pake sa mga bashers | Bandera

Pokwang may bagong negosyo para sa lahat ng ‘kulay’, walang pake sa mga bashers

Therese Arceo |May 19,2022
facebook
share this

Pokwang may bagong negosyo para sa lahat ng ‘kulay’, walang pake sa mga bashers

Therese Arceo - May 19, 2022 - 10:19 PM

Pokwang may bagong negosyo para sa lahat ng 'kulay', walang pake sa mga bashers
TULOY ang buhay para sa actress-comedienne na si Pokwang matapos ang naganap sa halalan at sa katunayan ay panandaliang nagbakasyon muna sa Boracay kasama ang kanyang pamilya.

Sa kanyang pananatili saglit sa Boracay ay marami siyang nakilalang mga kakampink at inamin niyang pare-parehas sila ng nararamdaman nang hindi manalo ang kanilang manok na si Leni Robredo.

“Marami akong na-meet na mga Kakampinks dito sa Boracay and syempre kagaya ko sad kami pero sabi ko nga dahan-dahan move on at may mga trabaho pa tayong gagawin naghihintay so yes yakap lang at tiwala magiging ok din ang lahat and support natin ang NGO Angat Buhay,” pagbabahagi ni Pokwang.

Ikinuwento rin nito ang kanyang naging karanasan sa isang seafood restaurant sa isla kung saan binigyan sila ng dosciunt ng may-ari dahil natuwa ito namg malamang doon sila kumain pero agad niya itong tinanggihan.

 

 

Kuwento ni Pokwang, “Kumain kami sa isang seafood restaurant dito sa Boracay then sabi ng manager 20% off daw kasi happy sila na doon kami kumain, sabi ko NO po ‘wag na kasi ngayon palang kayo bumabawi dahil sa pandemic at mga naganap na lockdown so please paki-alis po ang discount.”

At sa latest tweet nga nito noong May 18 ay mukhang may balak itong magtayo ng bagong negosyo.

“Wala akong time sa mga batugan na bashers hahahahaha mas marami akong oras simulan ang bagong negosyo at makapagbigay ng trabaho,” sey ni Pokwang.

Aniya, wala rin daw siyang pipiliing “kulay” sa magiging empleyado basta masipag ito at tapat.

At kahit nga deadma na si Pokwang sa bashers ay patulo pa rin siyang ipinagtatanggol ng mga netizens.

“Kung sino pa yung mga walang narating sa buhay sila pa yung mga malakas mang bash! Sige lang patuloy lang kayong mang bash at magtroll hanggang di na tuloyan kayong aasenso sa buhay. Sana sumaya naman ang buhay nyo!” pagtatanggol ng isang netizen.

“Mahigpit na yakap momshie Pokwang! You Deserve all the best things in life at Maraming maraming salamat sa pagtindig para sa aming lahat kasama ng magigiting mong co-artist. Sorry now lang nakabalik sa ibon..hehe. God blessed you a million folds,” saad naman ng isa.

Related Chika:
I can work with anybody… dilaw o pula dahil moreno naman ang kulay ng Filipino – Isko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Neri Miranda super enjoy sa Boracay family vacay; balak daw magtayo ng negosyo sa isla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending