I can work with anybody… dilaw o pula dahil moreno naman ang kulay ng Filipino – Isko
Isko Moreno at Willie Ong
NAKIUSAP si Manila Mayor Isko Moreno sa taumbayan pagkatapos i-anunsyo ang kanyang kandidatura bilang Presidente kasama ang ka-tandem niyang si Dr. Willie Ong na sana’y huwag na siyang bigyan ng ibang vice-president.
Nabanggit kasi ni Doc Willie na okay lang siyang matalo sa pagka-bise presidente basta manalo si Yorme, “Pag nanalo siya okay na ako kuntento na ako and I’m sure gagawin naman niya at ready tayo tumulong (usaping medikal).”
Hirit ni Yorme, “Teka muna sa mga nakikinig, ‘wag n’yo na ako bigyan ng ibang partner ah, awayin na naman ako no’n. Away na naman ang mahihita natin. Pagsamahin n’yo na kami pareho, di ba?”
Tila isa itong batang nagsasabing, “Kung tataya rin lang kayo sa akin, tayaan na ninyo ako nang todo-todo mahirap, eh. Sige kayo, anim na taon na benggahan ‘yan, iyon lang ang pakisuyo ko (sabay pinagdikit ang dalawang kamay bilang pakiusap). Halimbawa nakursunadahan n’yo ako, pakiusap ko naman kursunadahin n’yo na rin si Doc.”
At kapag si Willie Ong naman ang nakalusot bilang VP, “Kapag nakursunadahan n’yo si Doc, huwag n’yo naman siya bigyan ng sakit ng ulo na kumbaga ibabangko lang siya sa bangketa ng kanyang presidente na hindi niya kakampi.
“Ano na tayo, mag-heal na tayo, gamutin na natin ang mga sarili natin. ‘Yun lang ang ano ko (pakiusap).
“Plus the fact that history will tell us also and teach us Abraham Lincoln failed so many times then he became one of the greatest president of United States,” aniya pa.
Siniguro rin ng ama ng Maynila na kapag nahalal siyang presidente ay open siyang makatrabaho ang lahat kahit hindi niya kapartido.
“I can work with anybody. When I say anybody dilaw, pula o anuman ang kulay mo balewala ‘yun sa akin dahil moreno naman ang kulay ng Filipino.
“Tayo’y kayumanggi. My point of saying that is, we may disagree on political beliefs, personal ideas but I do believe there is commonality to save life and livelihood in this pandemic situation of our country,” pahayag nito.
Muling inulit ni Yorme na hindi siya titigil na pakiusapan ang lahat na magbati-bati at magsama-sama na sila sa iisang bangka, pero kung ayaw ng iba ay wala na siyang magagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.