Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging 'Kakampink' | Bandera

Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging ‘Kakampink’

Therese Arceo |April 26,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging ‘Kakampink’

Therese Arceo - April 26, 2022 - 01:38 PM

Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging 'Kakampink'

AMINADO si Andrea Brillantes na sinusubukan niyang hikayatin ang basketball player-boyfriend na si Ricci Rivero na maging isang “Kakampink”.

Sa isang interview ng aktres sa YouTube vlog ng isang entertainment site, inihayag niya na may effort siyang ginagawa para makumbinsi ang kanyang dyowa na suportahan at iboto si Vice President Leni Robredo sa pagkapresidente sa darating na May 9 elections.

“I am trying, ‘wag kayong mag-alala. I’m trying like ilang months na,” saad ni Andrea.

Dagdag pa niya, “He supports me supporting Leni [Robredo] at sobrang na-appreciate ko na ‘yun.”

Kahit na alam ni Andrea na suportado siya ni Ricci sa kanyang mga desisyon, umaasa pa rin siya na sana ay mahimok niya ito na piliin rin ang kandidatong pinipili niya.

Pagkukwento niya pa, “Lagi niyang sinasabi, ‘I’ll support you, supporting Leni’, sabi ko, ‘In the future tatanggalin mo yung you, sasabihin mo nang I support Leni’.”

Aniya, ito talaga ang goal niya pero ang importante ay kahit na magkaiba sila ng pinaniniwalaan ay nangingibabaw ang respeto nila sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

“Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto niya rin ako. Yun naman yung importante. Kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto pero may respeto pa rin kami sa isa’t isa, pero I’m trying pa rin,” sey ni Andrea.

Paalala naman ng aktres, hindi lang dapat mga karelasyon ang sinusubukan i-convert bagkus pati na rin ang mga kaibigan, kamag-anak, at mga kakilala.

Sa katunayan ay masayang ibinahagi ni Andrea na nahikayat na niya ang mga taong malalapit sa kanya na suportahan si VP Leni.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya kung sino ang mga na-convert niya na mag-switch to VP Leni.

 

 

“Na convert ko na driver and lola ko maging kakampink (emojis) skl hihi,” saad ni Andrea sa isang tweet noong April 25.

 

Matatandaang pormal nang inihayag ng aktres na isa siya sa mga artista na tumitindig para suportahan si VP Leni sa kanyang pagtakbo bilang presidente ng bansa. Nitong nagdaang Pasay campaign sortie ay nakibahagi rin siya upang iendorso ang kandidatura ng tRoPang Angat na pinangungunahan nina Robredo at Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending