Angelica Panganiban ibinandera ang baby bump | Bandera

Angelica Panganiban ibinandera ang baby bump

Therese Arceo - April 23, 2022 - 11:00 PM

Angelica Panganiban ibinandera ang baby bump

ISANG certified proud momma-to-be ang aktres na si Angelica Panganiban na ibinandera ang kanyang baby bump habang nag-e-enjoy sa dalampasigan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ang larawan niya ng kanyang baby bump.

“Baby Moon,” caption ni Angelica sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

May larawan rin ang aktres kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend at ama ng kanyang anak na si Gregg Homan.

Umani naman ng mga komento mula sa mga netizens at mga kaibigan sa industriya ang post ni Angelica.

“Glowing and blooming,” comment ni Bianca Gonzales.

Saad naman ni Direk Antoinette Jadaone, “Apakagandang buntis”.

Hirit pa ni Janine Gutierrez, “Ang ganda ganda mo!”

Matatandaang nitong March 2022 ay ginulat ni Angelica ang madlang pipol nang kumpirmahin nito na nagdadalang tao siya matapos may mga “Marites” na nakapansin na tila panay maluluwag na damit na ang suot ng aktres.

Mas nag-igting ang curiosity ng madlang pipol nang mag-post ito sa kanyang IG story ng larawan ng isang manggang hilaw na madalas pinaglilihian ng mga buntis.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako,” pag-amin ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending