Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo
Angelica Panganiban at Gregg Homan
BAKIT kaya sina Barbie Imperial, Elise Joson, Maris Racal at Angelica Panganiban ang kinuhang bida sa iWantTFC series na “The Goodbye Girl,” e, pawang masasaya naman ang kanilang mga lovelife?
Makakasama ng “goodbye girls” sina JC de Vera, RK Bagatsing, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Joshua Colet at Rico Blanco mula sa direksyon ni Derick Cabrido produced ng Dreamscape Entertainment at Omar Sortijas ng Clever Minds para sa kanilang 2022 opening salvo.
Sa ginanap na iWantTFC “Unwrapped Blue Carpet” nitong Biyernes, Dis. 10 ay natanong kung ano ang pagkakaiba ng kuwento ng “Goodbye Girl” sa mga heartbreaking series o movies na naipalabas na.
Sabi ni direk Derick, “Well first, ‘yung pagkakakuwento kasi based on the book is sobrang gusto namin when this was offered to us by Dreamscape. And at the same time unique ‘yung storytelling na point of view ng lahat ng babae na iniiwan. And the same time may hugot na ipinaglalaban kaya tinanggap namin.”
Gaganap si JC bilang Chief Operating Officer ng isang publication na anak ng may-ari na nag-offer ng book deal kay Angelica bilang si Yanna. Si RK naman ang nag-goodbye o nang-iwan sa kuwento.
Si Elisse naman ay si Julia, “Sa bawa’t babae sa Goodbye Girl may kanya-kanyang kuwento at ako rito ‘yung legally blind o bulag sap ag-ibig.”
“Ako naman po dito si Keira, ako po ‘yung other girl na akala ko mahal talaga ako nu’ng guy kahit kabit ako pero hindi pala talaga,” nakangiting sabi ni Barbie na tinititigan ng producer dahil muntik nang ma-ispluk ang twist ng kuwento.
Ria naman ang pangalan ni Maris, “Isa po akong bitter hopia, isang aspiring director. Kung dito nagmamahal sila (ibang kasamang babae), ako may choices kung sino ‘yung mamahalin at sino ang pipiliin.”
At si Angge, “I play the role of Yanna na nu’ng bumagsak ang mundo niya dahil nag-goodbye ang lahat sa kanya at may bumukas na pinto at isa ro’n ‘yung publishing company nila JC na nagbigay ng chance na gumawa ng isang libro na ibabase sa mga babaeng natutulungan dahil nagkaroon ng viral video na iniyakan niya online.
“So, nakilala siya ng ibang girls na heartbroken na maraming naka-relate at dahil sa librong offer ni JC na-explore ang stories ng Goodbye Girls,” kuwento ni Angelica.
Gustong magpaka-Marites (tsismosa) ni Bianca Gonzales-Intal bilang host kasama si Edward Barber na gustong alamin ang status ng lovelife nila at idaan na lang sa facial expression para maiba naman.
Nauna si Elisse at ang facial expression niya ay gustong sumigaw dahil sobrang saya, “Overjoyed, yes new journey.”
“Yes, congratulations to the new mom, we love it, we got it,” sambit naman ni Bianca.
“Naku, nababasa ko lagi name ni Barbie kaya I’m curious sa facial expression niya,” baling naman ni Bianca kay Barbie.
Thumbs up at kinikilig ang expression ng girlfriend ni Diego Loyzaga.
Si Maris naman ay umiling pero nakangiti na ang interpretasyon ni Bianca ay, “Alam n’yo na.”
View this post on Instagram
Nagpasalamat naman si Bianca kay Angelica dahil lumuwas pa ito ng Manila para makasama siya sa event. Sa Subic, Zambales na kasi naka-base ang aktres kasama ang boyfriend na si Gregg Homan.
“Oo nga kapag nagpo-promo ngayon, mahaba-habang biyahe na may toll,” saad ng dalaga.
Pero hindi niya pinili ang facial expression, “Mas gusto ko ang magsalita. Ha-hahaha!”
Bilang hugot queen sa kuwento ay natanong kung ano ang best advice niya sa mga iniwanan para muling sumaya at sumigla.
“Seryosong sagot talaga, kailangan lang ay mahalin ninyo ang inyong sarili talagang mag-focus kayo sa self ninyo. Magkaroon kayo ng self-respect dahil kapag hindi ninyo alam ang ibig sabihin ng lahat ng iyon at kapag sinaktan kayo ng isang tao hindi kayo sure kung nasaktan kayo di ba, kasi nga bulag kayo sa pagmamahal.
“So, kailangan alam n’yo ‘yung mga karapatan n’yo, rights n’yo at deserved ninyo ng sa ganu’n ay maibalik ninyo ang deserved ng taong nagbibigay no’n sa inyo,” mahabang sabi ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/299636/angelica-paninindigan-ang-pagre-retire-sa-teleserye-magbabago-lang-ang-desisyon-kung
https://bandera.inquirer.net/299401/angelica-nagsisi-nang-ayawan-ang-four-sisters-and-a-wedding-hindi-ko-pa-rin-siya-pinapanood
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.