Isko Moreno sinagot ang ‘booking’ issue: Alam nila na it’s joke time
NAGSALITA na ang presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno hinggil sa isyu ng kanyang “libre ang booking” joke niya sa isa sa kanyang mga campaign sorties na naka-offend sa mga miyembro ng LGBT community.
“Yung mga mapagmataas, matapobre, or yung feeling nila sila lang ang alta sosyedad will never understand the language o lenguwahe sa kalsada,” saad ni Isko nang ma-interview siya sa Caloocan.
“We know ourselves. We know when and where to offend and alam nila na it’s joke time, it’s fun time and I’m speaking their language,” dagdag pa ng alkalde ng Maynila.
Grabe ang energy ninyo, Butuan City! Maraming salamat sa napakainit at napakalakas na pagtanggap sa Team Aksyon!
Chill lang tayo, mga ISKOrganic! #IbaNaman 💙☝🏻 pic.twitter.com/EAhQqIY9wt
— Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) April 18, 2022
Matatandaang nag-viral ang video clip ni Isko sa social media mula sa kanyang Butuan campaign sortie kung saan biniro niya ang kanyang mga supporters na mula sa LGBT community na “ireregalo” niya sa grupo ang anak na si Joaquin.
Marami sa mga grupo mula sa LGBT community ang hindi nagustuhan ang naging pagbibiro ng presidential candidate gaya ng UP Lipad, Bahaghari, at Pantay Pilipinas.
Para sa kanila, naging “insensitive” si Isko at malinaw na nagpapakita ito ng “fake allyship at toxic masculinity” at tila ipinapalabas na “sex-hungry” ang kanilang LGBT community.
“Bakit po hindi ang mga kongkretong patakaran para mabigyan ng karapatan ang LGBT community at puto na lang po biro, puro na lang po insulto at pagmamaliit ang ginagawa sa amin?” saad ni Rey Valmores-Salinas, chairperson ng Bahaghari.
“UP Lipad actively pushes against such narratives. They serve to promote the harmful and blatantly false concept that our community is sex-hungry and predatory, and that young men are objects of sexual gratification. The LGBTQIA+ community cannot be won-over through such offers, in jest or otherwise, and affairs of national concern such as the elections cannot be won using derogatory remarks against any group of people.” pahayag naman ng UP Lipad.
“Sa ating mga LGBT…mamaya ibigay ko sa inyo si Joaquin. Libreng booking”
??????????????????????????????? pic.twitter.com/xJT7rUILBu
— Krista⁷ 🌷💜 | #HAPPYLENIDAY (@mcFury613) April 18, 2022
Itinanggi naman ni Isko ang mga akusasyon na iniinsulto niya ang mga myembro ng LGBT community.
“Iba ang sinasabi nila sa ginagawa namin. Bisita kayo sa [Manila] City Hall. Gawa na ‘yung bagong banyo doon. They will see,” pagpapaliwanag ni Isko.
Matatandaang noong 2020 ay ipinasa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang City Ordinance No. 8695 o Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020 na nagbabawal ng gender discrimination sa trabaho at sa buong lungsod ng Manila at isa sa mga panukala nito ay ang pagpapagawa ng gender-neutral toilets.
Sey pa niya, “‘Yung sinabi ko na Mindanao, Visayas, Luzon, mayaman, middle class, mahirap, babae, lalaki, bakla, tomboy, pantay-pantay. I mean it and in fact we practice it so ‘yung personal preference mo sa buhay, wala akong prejudice.”
Related Chika:
Isko Moreno iniregalo ang anak sa LGBT community: Libre ang booking!
Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022
Payo ni Isko kay Joaquin, sundin ang ‘golden rule’ sa showbiz; JD bibida na rin sa pelikula
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.