Isko Moreno iniregalo ang anak sa LGBT community: Libre ang booking!
USAP-USAPAN ngayon ang pahayag ni presidential candidate Isko Moreno kung saan pabiro niyang sinabi na inireregalo niya ang anak na si Joaquin Domagoso sa mga supporters niya mula sa LGBT community.
Ang video clip ay kuha mula sa naganap na concert rally ng kumakandidatong pangulo sa Butuan City noong April 19.
“Sa ating mga LGBT, mamaya iregalo ko sa inyo si Joaquin, libre ang bookin pero tikim lang, ‘wag kakainin!” pagbibiro ni Mayor Isko.
Makikita rin naman sa video clip na nagtilian ang audience nang mas lumapit ang batang Domagoso sa crowd at tila tatalon papunta sa mga tao.
Samu’t sari naman ang reaksyon ng mga netizens ukol sa naturang video.
Marami sa madlang pipol ang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi kahit pa biro lang ito para sa kanya.
Grabe ang energy ninyo, Butuan City! Maraming salamat sa napakainit at napakalakas na pagtanggap sa Team Aksyon!
Chill lang tayo, mga ISKOrganic! #IbaNaman 💙☝🏻 pic.twitter.com/EAhQqIY9wt
— Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) April 18, 2022
“Kahit pabiro sinong matinong tatay ang gagawin ito sa anak nya? Kasuka talaga ugali ni Isko,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Bastos!! Kala n’ya nakakatuwa yung joke nya na ‘yun. Binabastos mo ang mga LGBT community at ginamit pa ang anak. Tama. From basura to trapo — yan si Isko.”
“Sino ngayon ang nasisikmurang ialay ang anak para sa pansariling kapakanan?” hirit naman ng isa pa.
Dagdag pa ng isa, “Sobrang harmful ng take even if it’s just a joke. So many issues surfaced once he said this statement. 1.) being is that he thinks the LGBT community is sex-starved and would just take what’s infront of them. 2.) he’s literally pimping his son, treated him as an object? Sahol mo, Isko!”
Naglabas rin ng opisyal na pahayag ang UP Lipad at sinabing hindi “sex objects” at “sex-hungry” ang LGBTQIA+ community.
“UP Lipad expresses deep concern regarding presidential aspirant Isko Moreno’s statement during his campaign speech in Butuan where he purportedly offered his son to the LGBTQIA+ community in the crowd. He was caught on video saying:
‘Sa ating mga LGBT… mamaya ibigay ko sa inyo si Joaquin. Libre lang booking.’
“UP Lipad actively pushes against such narratives. They serve to promote the harmful and blatantly false concept that our community is sex-hungry and predatory, and that young men are objects of sexual gratification. The LGBTQIA+ community cannot be won-over through such offers, in jest or otherwise, and affairs of national concern such as the elections cannot be won using derogatory remarks against any group of people.
“We call on all candidates, local and national, to practice sensitivity during the campaign period and what comes after. We call on them to remember that should they be elected to office, they will also be serving our community of butterflies and allies.”
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni mayor ng Maynila ukol dito.
Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ni presidential candidate Isko Moreno at ng anak nitong si Joaquin Domagoso hinggil sa isyu.
Related Chika:
Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…
Payo ni Isko kay Joaquin, sundin ang ‘golden rule’ sa showbiz; JD bibida na rin sa pelikula
Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.