Daryl Ong nalagasan ng followers matapos ipakita ang tunay na ‘kulay’: No matter what, nirerespeto ko po kayo
POPULAR now ang singer na si Daryl Ong matapos siyang maging bahagi ng nagdaang grand rally ng UniTeam sa Cebu noong Lunes, April 18.
Ito na rin ang kanyang opisyal na pagpapahayag ng suporta para sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Sa kanyang Instagram post ay labis ang pasasalamat ni Daryl sa UniTeam sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na ibahagi ang talento sa kanyang mga kababayan.
“Maraming salamat din sa UNITEAM sa oportunidad maibahagi ang aming talento at makapag pasaya ng daang-daang libo nating mga kababayan na nag laan ng panahon at pagod buong araw, upang magpakita ng suporta at pagmamahal kay BBM, Inday Sara at sa buong UNITEAM!
“Isang karangalan po ang masama sa napakalaking selebrasyon at halimbawa ng tunay na pagkakaisa. Mabuhay ang UNITEAM, Mabuhay ang Pilipinas!” saad ni Daryl.
View this post on Instagram
Mukhang marami ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon dahil kanina lang ay nag-post ito patungkol sa mga “mag-a-unfollow” sa kanya.
“Sa mga mag-a-unfollow dahil sa pag-post ko ng aking pagsuporta sa Uniteam, salamat pa rin po sa inyong lahat. Naging part pa rin po kayo ng journey ko. No matter what, nirerespeto ko po kayo,” sey ni Daryl.
Nagpapasalamat naman siya sa mga taong nananatiling nakasuporta sa kanya sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa pananaw sa politika.
“Higit akong nagpapasalamat sa respeto at unconditional niyong pagtanggap at suporta sa akin,” sambit ni Daryl.
Dagdag pa niya, “Sa mga katulad ko ng pinaniniwalaan at kapwa sumusuporta sa Uniteam, ako’y lubusang nagpapasalamat sa ating pagkakaisa.
“All the best sa ating lahat, sa ating bansa. God bless the Philippines.”
Related Chika:
Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank!
I can work with anybody… dilaw o pula dahil moreno naman ang kulay ng Filipino – Isko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.