Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank! | Bandera

Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank!

Ervin Santiago |July 26,2021
facebook
share this

Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank!

Ervin Santiago - July 26, 2021 - 11:45 AM

NAPAIYAK ang girlfriend ng singer na si Daryl Ong nang bigla siyang mag-propose sa harap nito habang nagba-vlog sa kanyang YouTube channel.

Shookt ang aktres na si Dea Formilleza nang lumuhod si Daryl at inilabas ang engagement ring at yayain na siyang magpakasal sa gitna ng kanilang pagla-livestream.

Sa inilabas na video ng singer sa YouTube channel, magkasamang humarap sa kanilang mga fans at followerd ang magdyowa at walang kaalam-alam si Dea sa inihandang sorpresa sa kanya ng binata.

Actually, ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-propose si Daryl sa kanyang girlfriend sa loob ng limang taon nilang relasyon. Yung una raw ay nangyari noong tatlong buwan pa lang silang magdyowa.

Sa simula ng vlog, naikuwento nga ni Daryl ang pagsubok na hinarap ng kanyang pamilya nang magkasakit ang ina. Dito pinasalamatan ni si Dea dahil sa pagtulong sa kanyang nanay.

“Gusto ko na ring i-take itong opportunity na’to para magpasalamat sa’yo, sa ginawa mo sa panahon na may malaking pagsubok sa aking family. Thank you so much tinulungan mong gumaan ’yung sitwasyon.

“Thank you so much sa pagmamahal mo sa akin, sa pamilya ko. Maraming salamat sa kabaitang na pinapakita mo,” mensahe ng singer sa aktres.

Kasunod nito, inilabas na nga ng binata ang engagement ring at lumuhod sa harap ng dalaga.
Umiiyak na sumagot ng “yes” si Dea sabay hirit naman ni Daryl ng, “Wag ka mag-alala hindi ito prank!” 

Ilang beses nagyakapan nang mahigpit ang engaged couple habang patuloy ang pagtulo ng luha ng dalaga na talagang nagulat sa sorpresang paandar ng kanyang boyfriend.

Inamin naman ni Daryl na 2016 pa lang ay nag-propose na siya kay Dea kahit three months pa lang ang kanilang relasyon. Hindi raw ito alam ng kanilang respective families pati na ng kanilang mga kaibigan.

Nabanggit din ni Daryl na talagang nagpunta pa sila ni Dea sa Davao kung saan naninirahan ang pamilya ng aktres para personal na hingin ang blessings ng mga magulang nito.

Taong 2011 naging friends ang dalawa at 2016 naman naging official ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakilala si Daryl matapos siyang sumali sa “The Voice Philippines” noong 2014 habang nagsimula naman ang showbiz career ni Dea after mag-join sa “Idol Philippines” taong 2019. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending