EXCLUSIVE: Idol PH2 champ Khimo Gumatay na-trauma sa love

EXCLUSIVE: Idol PH Season 2 champion Khimo Gumatay na-trauma sa love

Ervin Santiago - October 07, 2024 - 01:40 PM

Idol PH Season 2 grand champion Khimo Gumatay na-trauma sa love

Khimo Gumatay

MATINDI rin pala ang pinagdaanan ng “Idol Philippines Season 2” grand champion na si Khimo Gumatay sa larangan ng pag-ibig.

Traumatic para sa Kapamilya singer ang pinagdaanang pagsubok sa pakikipagrelasyon sa kanyang ex-partner.

“I went through a lot po talaga. Siyempre kapag nagmahal ka, if you really love someone ibibigay mo talaga lahat and naibigay ko yung lahat ko.

“And nu’ng time po na yun, as in that’s one of my darkest moments in life. I have to work and I have to deal with it. Pero awa naman ng Diyos, nalagpasan ko naman po,” ang pahayag ni Khimo sa exclusive interview ng BANDERA.

Baka Bet Mo: Khimo Gumatay itinanghal na ‘Idol Philippines 2’ champion; wagi ng P1-M, house & lot, recording contract, beauty clinic

Hindi naman daw ito ang unang pagkabigong naranasan ng binata, “But iyon yung heartbreak na nasa kalagitnaan ako ng career ko and yun yung time na kailangan ko talaga ng mga taong magbibigay sa akin ng motivation and encouragement na maipagpatuloy yung work and career ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Capo MNL (@capomnlph)


Hinarap ni Khimo ang kanyang heartbreak hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya at supporters, “Kapag iniwasan mo siya lalo ka lang magsa-suffer, e. So, hinarap ko talaga bilang tao, bilang Khim.”

Sinu-sino ang mga taong sinandalan niya sa madilim na bahaging yun ng kanyang buhay, “Siyempre, number one parents ko, family, yung mga taong nakapaligid sa ‘kin and also my colleagues sa work. Yung mga nagbigay sa akin…yung sinamahan talaga ‘ko nu’ng panahong yun is si Kuya Robi (Domingo) and si Darren (Espanto).

“Sila talaga yung nagbigay sa ‘kin ng encouragement na ‘okay lang yan, nararanasan natin talaga yan.’ Sabi ni Kuya Robi, ‘you have to deal with it. Nangyari na, e. Ano pa bang magagawa mo?’ Maging fuel mo na lang yan na magtrabaho nang magtrabaho.

“Si Darren naman parang ganu’n din, oks lang yan, nangyari na at lilipas din,” aniya.

Patuloy ni Khim, “Ngayon, naka-move on na, happy ako, I’m still performing, making people happy at may concert ako ngayon. Bakit pa ako malulungkot ngayon, e, ibinigay na sa akin lahat ng mga bagay na magbibigay sa akin ng inspiration to move forward.”

Inamin din ni Khimo na traumatic ang pinagdaanan niya noon at sobrang challenging ang naging proseso ng pagmu-move on niya. Pero aniya, bukas pa rin ang puso niya sa panibagong pag-ibig at hindi siya tuluyang bumitiw sa “love.”

Speaking of concert, tuloy na tuloy na nga ang kanyang first major concert titled “”KH1MO Emerge. Energize. Elevate” sa Music Museum sa Greenhills, San Juan sa October 25, 8:30 p.m..

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KHIMO (@khimogumatay)


Sa naganap na presscon para sa concert ni Khimo, sinabi niyang iniaalay niya ito sa pamilya, mga kaibigan, supporters at sa kanyang “ASAP” family.

“I dedicate my first major concert to my family na laging andyan sa akin 24/7. Walang humpay silang sumusuporta sa akin. Nandiyan din yung mga kaibigan ko and my ASAP family na naniniwala pa rin sa akin.

“Gusto ko rin magpasalamat sa mga supporter ko dahil kung wala sila, we’re just an ordinary human being na kumakanta lang,” aniya.

Bilang paghahanda sa kanyang concert, sey ni Khimo, “Para akong sundalo ngayon na gumigising nang maaga at nag-aaral ng mga kanta. I’m still the same Khimo pero times two.”

Makakasama ng Kapamilya singer sa concert as special guests ang “Tawag ng Tanghalan” Duets Grand Champion na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano o JMielle), ang Elvis Presley ng Japan na si Douglas Masuda, at ang singing executive na si Joey San Andres.

Sa isang Instagram post ni Khimo nabanggit niyang, “It’s been two years since ‘Idol Philippines.’ I am still beyond grateful kasi kasama ko pa rin kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Carlo Jan Landrito ang magdidirek ng show habang ang musical director naman ay si Elmer Blancaflor. Tickets are now available at the Music Museum box office. For inquiries and reservations, contact 0915-7584045 or 0905-5961978.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending