#GameOngver: Daryl Ong, Dea Formilleza nagpakasal na | Bandera

#GameOngver: Daryl Ong, Dea Formilleza nagpakasal na

Ervin Santiago |March 13,2022
facebook
share this

#GameOngver: Daryl Ong, Dea Formilleza nagpakasal na

Ervin Santiago - March 13, 2022 - 04:09 PM

Daryl Ong, Dea Formilleza nag-kiss sa kanilang kasal

Daryl Ong at Dea Formilleza

PINAKASALAN na ng singer-songwriter na si Daryl Ong ang kanyang longtime girlfriend na si Dea Formilleza.

Nangyari ang kanilang wedding kahapon, March 12, sa The Emerald Events Place sa Antipolo City na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Kabilang sa mga nakasaksi sa pag-iisang dibdib nina Daryl at Dea na isa ring singer, ay ang mga kaibigan nilang sina Michael Pangilinan at Liezel Garcia, pati na rin ang “The Clash” graduates na sina Julia Serad at Lyra Micolob.

Ni-repost ng bagong kasal sa kani-kanilang Instagram page ang mga litratong ibinahagi ng kanilang mga kaibigan sa social media na kuha habang ginaganap ang kanilang kasal gamit ang mga hashtag na #gameOngver at #DaDeyforOng.

View this post on Instagram

A post shared by Daryl Ong (@imdarylong)


Makikita sa isang IG Story post ni Daryl ang litrato ni Michael Pangilinan na kanyang pinasalamatan sa pagkanta nito sa bridal march ni Dea.

May mga kuha rin ang bride na si Dea habang nagpe-perform sa reception ng kasal nila ni Daryl kasama ang kanyang mga kaibigan.

Six years tumagal ang relasyon nina Daryl at Dea bago sila nagdesisyong magpakasal. Ani Daryl, 2011 pa lang ay friends na talaga sila ni Dea at pagsapit nga ng 2016 ay naging magdyowa na sila.

Matatandaang noong Aug. 1, 2021 naman nang ibandera ni Daryl sa publiko ang pagpu-propose niya kay Dea sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Sabi ng OPM artist sa isang panayam tungkol sa naging proposal niya kay Dea, basta na-feel na lang niya na ito na ang tamang panahon para yayain nang  magpakasal sa kanya si Dea.

“Wala pong sure sa panahon ngayon so bakit ko pa patatagalin? Sabi ko, ‘Kailan pa? Kapag huli na? Kapag may nangyari sa akin?’ Huwag naman.

“Ngayon na yung perfect time na dalhin namin sa next level yung relationship.

“Bukod sa matagal na rin kami and kino-consider ko siya as my best friend, importanteng bukod sa romantic relationship, maganda talaga yung kino-consider na kaibigan talaga namin yung isa’t isa,” sabi ni Daryl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank!

I can work with anybody… dilaw o pula dahil moreno naman ang kulay ng Filipino – Isko

Ellen, Derek may ‘nakakalokang’ experience sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Ramsay

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending