Ogie Diaz kay Paolo Contis: Kayo pa ba ni Yen Santos o hindi na?! | Bandera

Ogie Diaz kay Paolo Contis: Kayo pa ba ni Yen Santos o hindi na?!

Therese Arceo - March 15, 2022 - 08:19 PM

Ogie Diaz kay Paolo Contis: Kayo pa ba ni Yen Santos o hindi na?!

NAPAG-USAPAN nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang isa sa mga naging kontrobersyal na aktor noong 2021 na si Paolo Contis.

Naalala kasi ng talent manager ang kaibigan na nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong March 14.

“Happy Birthday Paolo… Beke nemen pwede na magpa-interview,” pabirong bati ni Ogie.

Kinantyawan rin nilang tatlo na sana ay mag-treat at magpakain naman daw si Paolo lalo na at medyo maluwag na dahil ibinaba na sa Alert Level 1 ang NCR.

Matapos ang biruan ay biglang na-bring up ni Mama Loi kay Ogie si Yen Santos na isa rin sa mga nag-trending noong 2021 matapos ang diumano’y pagkakaignay niya sa hiwalayang Paolo at LJ Reyes.

“Bakit wala tayong nababalitaan tungkol sa kanila ni Yen? ‘As a friend’ pa rin ba sila?” tanong ni Mama Loi.

Sagot naman ni Ogie, “Di ko alam. Hayaan natin si Paolo na magsalita or si Yen, di ba? Kasi wala rin akong balita sa kanila.”

Pilit naman ni Mama Loi, “Kumustahin mo na, ‘Nay!” dahil may narinig raw itong chika na wala na daw sila kaya nais niya ipa-confirm sa talent manager.

“Binigyan pa ako ng assignment. Paolo, ikaw na nga ang sumagot! Kayo pa ba ni o wala na kayo?” diretsahang tanong ni Ogie sa kaibigan.

Muli naman niyang binalingan si Mama Loi at tinanong ito kung saan niya nakuha ang idea patungkol sa dalawa gayong wala namang naging pormal na pag-amin sina Yen at Paolo kung nagkaroon nga ba sila ng relasyon dahil ang sinabi noon ni Paolo ay “friend” lamang niya ang aktres na nakasama niya sa pelikulang “A Faraway Land”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Sumingit naman si Dyosa Pockoh sa usapan at sinabi kina Ogie na maski siya ay narinig niya ang chika patungkol sa “paghihiwalay” ng dalawa.

“Kita mo, narinig rin pala ‘yun ni Dyosa. Dalawa na kaming nakarinig. Kailan mo ‘yun narinig?” sey ni Mama Loi sa talent manager.

Agad namang sinabunutan nang pabiro ni Ogie ang kaibigan sabay sabing, “Don’t put me on the spot.”

“Hindi ko nga alam. Hayaan natin si Paolo,” dagdag pa niya.

Anyway, marahil ay nais lang rin ni Ogie na respetuhin ang privacy ng aktor dahil isa ito sa mga taong malalapit sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsasalita naman si Paolo kung sakali dahil kahit noong naghiwalay sila ni LJ ay matapos ang ilang araw na pagiging laman ng balita ay nagsalita rin siya hinggil sa isyu.

Wait lang tayo kung “friends” pa rin nga ba sila ni Yen o hindi na.

Related Chika:
Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?
Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending