Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you! Bandera

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Therese Arceo |March 04,2022
share this

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Therese Arceo - March 04, 2022 - 10:00 PM

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!
ISANG nakakakilig na greeting ang inihandog ng aktor na si Arjo Atayde sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nagse-celebrate ng ika-27th birthday ngayong araw.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang kanilang larawan ng kasintahan.

“Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy happy birthday, Baba!” saad ni Arjo.

Reply naman ni Maine, “Thank you!! Love youuuu.”

Nagpaabot rin ng pagbati ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

“Happy birthday, Maine. Stay happy and inlove,” saad ni Ibyang.

Samantala, nagpasalamat naman si Maine sa lahat ng mga taong hindi nakalimot sa kanyang espesyal na araw.

“Cheers to 27! Thank you all for the birthday greetings and wishes,” saad niya kasama ang kanyang larawan na may hawak wine.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

 

Ilan sa mga bumati sa dalaga ay sina Regine Velasquez, Jake Ejercito, Hidilyn Diaz, Maxene Magalona, Isabelle Daza, Allan K, at Pia Guanio.

Unang nakilala si Maine matapos mag-viral ang kanyang mga videos na kalaunan ay nabansagan bilang Dubsmash Queen.

Matapos ngang makilala ay inamin niya na nakatanggap siya noon ng proposal mula sa longest noontime show na “Eat Bulaga” kung saan napaunlakan soya bilang maging isa sa mga dabarkads.

Dito rin nag-umpisa ang tambalan nila ni Alden Richards na nakilala bilang “AlDub” sa kalyeserye ng “Juan For All, All For Juan”, segment ng “Eat Bulaga”.

Anyways, Enero 2019 naman nang aminin ni Arjo Atayde ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Maine Mendoza. Sa katunayan, noong December 2021 ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.

Related Chika:
Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!
Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending