Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa! | Bandera

Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!

Ervin Santiago - July 05, 2021 - 05:55 PM

NAGPASALAMAT ang Kapuso star na si Maine Mendoza sa lahat ng kanyang mga tagasuporta sa pagse- celebrate ng ika-6 anibersaryo niya sa showbiz.

Kahapon, July 4, six years na ang Dubsmash Queen at Phenomenal Star sa entertainment industry  at feeling niya, parang kailan lang yung araw na umapir siya sa “Eat Bulaga.”

Sa Twitter idinaan ni Maine ang kanyang anniversary message at pagpapasalamat sa kanyang fans para sa patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya.

“6th year today. Ang bilis talaga! Ang dami na ding nangyari at wala na akong mahihiling pa.

“Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal. Mahal ko kayo,” pahayag ni Maine.

Sunud-sunod naman ang comments ng supporters ni Maine sa kanyang message at may isa pa ngang grabe ang tuwa nang i-like ng TV host-actress ang kanyang tweet.

Sey ni @gab_talaue, “Aaaaa omggg ano ba huhu naginginig ako haha yung puso ko ang bilis ng tibok aaaaa naiiyak ako sa sobrang sayaaa haha kinikilig ako!! Omggg! Thank u!! Iloveyou! Iloveyou, meggg!! Happy 6th anniversary ulit, mahal @mainedcm !! <33 #MaineMendoza || #Maine6thAnniversary.”

Sey naman ni @jhelyaceee, “Wow. 6 years already?! Happy anniv, Menggay! I may not be as active as I was before but my heart will always root for your success. God bless you more!”

Naging instant star si Maine noong July, 2015 nang mapasama siya sa “Eat Bulaga” at makilala bilang si “Yaya Dub”.

July 6, 2015, nang isilang ang iconic moment ni “Yaya Dub” at ni Alden Richards sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” hanggang sa maging phenomenal na nga ang love team na “AlDub”.

Bukod sa “EB” at sa comedy show nila ni Vic Sotto sa GMA na “Daady’s Gurl”, nakagawa na rin ng mga pelikula si Maine tulad ng “Imagine You And Me” (2016),  “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” (2018), “Isa Pa With Feelings” (2019), at “Mission Unstapabol: the Don Identity” (2019). Bumida na rin siya noomg 2017 sa Kapuso series na “Destined To Be Yours”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa na rin siyang certified recording artist with three singles titled “Imagine You and Me,” “Lost With You,” and “Parang Kailan Lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending