Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa 'kin na ipinost mo ko sa IG!? Bandera

Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa ‘kin na ipinost mo ko sa IG!?

Therese Arceo |January 18,2022
share this

Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa ‘kin na ipinost mo ko sa IG!?

Therese Arceo January 18, 2022 - 05:31 PM

Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa 'kin na ipinost mo ko sa IG!?

PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang mensahe ni Mommy Pinty para sa bunsong anak na si Alex Gonzaga na nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong anuary 16.

Sa Instagram post ay binati ni Mommy Pinty ang anak kalakip ang kanilang litrato na may mahabang mensahe.

“Happiest birthday Bunso. From a little cute smart funny girl full of energy to a driven, determined, loving, caring and generous woman you have become, in other words, a wonderful woman – as a daughter, as a wife, a sister and a faithful servant of God!” bati ni Mommy Pinty kay Alex.

“Me and your dad are sooo proud of you , of what you have become and what you have achieved! You truly deserved the best in your life and in your career,” pagpapatuloy niya.

Aniya, maraming beses na niyang nakitang down si Alex ngunit kahit na ganoon ay pinilit pa rin nitong mapalapit sa Diyos at patuloy na naniwala sa mga plano para sa kanya ng Maykapal.

“I know you understood His purpose to prepare you so you will be a better Catherine for the great blessings coming your way. I hope you will always remain humble, loving, caring, generous and of course continue to be a blessing to others.

“Your dad and I will always treasure the days n late nights spent with you talking eating etc coz you are such a joy n delight to be with. I thank the Lord for having a daughters like you and ate. May your special day be as wonderful as you are. We love you and you always be our baby girl,” sey pa ni Mommy Pinty.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty)

Nag-comment naman si Alex sa post ng ina na umani ng isang libong likes mula sa netizens.

“Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sakin napost mo mo sa IG,” saad ni Alex.

“Love u mom!!!!” dagdag pa nito.

Marami namang netizens ang naaliw sa naging sagot ni Alex.

Kahit sa sariling Instagram ay may birthday post ito na talagang bentang-benta sa madlang pipol.

Medyo palaban kasi ang larawan nito at sinabing iyon lang daw ang pagkakataon na maari siyang mag-post ng “bold” photo na hindi mapapagalitan ng asawang si Mikee.

Fierce pero wholesome pa rin naman ang dating ni Alex sa larawan.

“It’s my B-day!!! Bold day! Only time I can post this nang di magagalit si mister Morada! Pagbigyan na,” sey ni Alex.

Related Chika:
Mommy Pinty may balak magpaka-JaMill; gusto na ring ipa-delete ang YT channel
Seve hindi aprub sa YT video nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy; vlog ni Alex ipinadi-delete

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending