Mommy Pinty may balak magpaka-JaMill; gusto na ring ipa-delete ang YT channel | Bandera

Mommy Pinty may balak magpaka-JaMill; gusto na ring ipa-delete ang YT channel

Therese Arceo |October 05,2021
facebook
share this

Mommy Pinty may balak magpaka-JaMill; gusto na ring ipa-delete ang YT channel

Therese Arceo - October 05, 2021 - 08:09 PM

MARAMI ang natawa sa latest vlog ng mga magulang ng Gonzaga sisters na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Umpisa pa lang ng vlog ay mukha na ni Alex Gonzaga ang bumungad sa camera.

“Netizens, nagkakaaway na, talagang nagkakagulo na ang Gonzaga residence to the point na ang Mommy gusto nang magpaka-Jamill. Ide-delete na lang daw niya ang [YouTube] account,” natatawang saad ni Alex.

Tinanong naman nito ang ina kung bakit nais nitong i-delete ang kanilang vlogs.

“Ang gulo, eh. Hindi ko alam kung anong ano dyan. Nagpadala na ng sulat ang BIR. Kasisimula pa lang, one month pa lang may BIR na kami.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakadagdag pa ngayon sa problema ko,” natatawa rin saad ni Mommy Pinty.

Kuwento nito, bago matulog raw ay nanonood ma ng mga vlogs ang asawa niyang si Daddy Bonoy at hanggang sa paggiding raw ay ‘yun pa rin ang ginagawa nito.

“At tsaka ka-maintenance, ‘pag nakita n’yo ang Daddy, tapos sasabihin n’yong ‘Uy, kailan ang next vlog ulit’, huwag n’yo nang sabihin. Nape-pressure siya.

“Kapag nakikita niya ako, ‘Uy, naghahanap na sila’. Please suportahan n’yo, matanda na sila. Di na nila alam ang gagawin,” dagdag pa ni Alex.

Sabi pa ni Mommy Pinty, ‘wag na raw siyang isama sa mga vlogs na ikinakagalit raw ng asawa dahil dalawa naman daw sila sa YT channel nila.

Maya-maya naman ay pumasok na si Daddy Bonoy na tila nagra-rant.

“Nag-aayos ‘yung tao eh. Hindi pwede ng umaga, di pwede ng ano. Bwiset,” sey ni Daddy Bonoy.

Sa sumunod na clips ay nasa garden na sila kung saan puro nagkandamatay-matay na ang kanilang mga halaman.

May back story pa si Alex nang makitang nagpalit ng damit ang ama.

Chika kasi niya, noong una raw ay nakapolo ito ngunit pinagpalit niya ng damit dahil plantito siya.

“Cooperative naman siya pati sa costume,” natatawang sey ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli ay nagdilig na lang sila kahit karamihan sa mga halaman ay namatay.

“Pagka kayo, wala kayong green thumb, tigilan n’yo na ang pagiging plantito at plantita. Mag-leche flan na lang kayo,” advice ni Daddy Bonoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending