Seve hindi aprub sa YT video nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy; vlog ni Alex ipinadi-delete | Bandera

Seve hindi aprub sa YT video nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy; vlog ni Alex ipinadi-delete

Therese Arceo |September 28,2021
facebook
share this

Seve hindi aprub sa YT video nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy; vlog ni Alex ipinadi-delete

Therese Arceo - September 28, 2021 - 08:52 PM

CERTIFIED VLOGGERS na nga ang Gonzaga Family matapos magkaroon ng YouTube channel ang magulang nina Toni at Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Sa latest vlog nito ay ibinahagi ni Daddy Bonoy ang kanilang pagpunta sa bahay nila Toni para dalawin ang mag-anak at makipagkulitan sa kanilang apo na si Seve.

Talaga namang strikto sa health protocols ang Gonzaga fam dahil nag-swab testing pa ito bago tuluyang bisitahin ang apo.

May parte sa vlog kung saan nagkukulitan ang Gonzaga fam.

“Sa totoo lang lahat dito, pinag-vlog na ni Catherine. Siya rin nag-push sa ‘kin na mag-YouTube,” saad naman ni Toni.

“Si Seve ang susunod,” sey naman ni Alex na agad kinontra ni Toni sabay sabing “Huwag na. Tama na ‘yan.”

Tawanan lang nang tawanan ang mag-anak nang tanungin ni Mama Pinty si Toni kung ano ang masasabi nito ngayong nagba-vlog na sila.

“Ewan ko sa inyo kung anong ginagawq n’yo. Ewan ko sa inyo bakit sa tanda n’yong ‘to, tsaka kayo nag-ganyan,” tila naiinis na sagot ni Toni.

Tinanong naman ni Toni ang anak na so Seve kung masaya siya sa pagba-vlog ng kaniyang lolo ag lola na agad namang inilingan ng bata sabay thumbs down.

Samantala, gusto namang ipa-take down ni Seve ang latest vlog ni Alex kung saan nagpagalingan sina Mommy Pinty af Toni sa pagluto ng spaghetti.

Matapos nga nilang magluto ay pinapili nila si Seve kung kanino ang mas masarap na spaghetti at ang luto ni Mommy Pinty ang unang napili ni Seve.

Matapos mag-trending ang vlog ay ibinahagi ni Alex sa kaniyang Instagram story ang screenshot ng video call nila ni Seve na umiiyak.

“Umiiyak siya napanood nya vlog na pinili nya spaghetti ng mommy at di ng mama nya at pinapadelete nya,” sey ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukhang di aware si Seve na kay Mommy Pinty ang napili niya kaya naman mukhang na-feel bad ang bata nang mapanood ang vlog.

Grabe ang pagmamahal ni Seve sa kaniyang Mama Toni at umiiyak pang nakikiusap sa kaniyang Tata Alex na i-delete ang video dahil akala niya na-hurt si Toni nang hindi niya napili ang luto ng ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending