Heaven, Kimpoy trending sa socmed; netizens galit na galit Bandera

Heaven, Kimpoy trending sa socmed; netizens galit na galit

Reggee Bonoan |November 26,2021
share this

Heaven, Kimpoy trending sa socmed; netizens galit na galit

Reggee Bonoan November 26, 2021 - 03:28 PM

Heaven, Kimpoy trending sa socmed; netizens galit na galit

 

BAKIT tila hindi tanggap ng mga netizens ang kung ano mang namamagitan kina Heaven Peralejo at kilalang social media influencer na si Kimpoy Feliciano?

Ang ganda ng mensahe ni Kimpoy para sa aktres, “Happy Birthday to this beautiful soul @heavenperalejo. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise.”

Nakagugulat ang mga komentong nabasa namin na umabot sa 1,851 as of this writing at ang ilan sa kanila:

Mula kay @isayperegrin, “Nakakatawa ka Kimpoy nawawala pagiging good influencer mu dyan ka lang pala babagsak.”

Say din ni @bebanglove_14, “bahala ka dyan kimpoy (emoji crying).

Ayon din ni @mommyvanph, “Kung saan ka masaya Kimpoy, sige lang, kahit masakit na. Char! HAHAHAHAHA! Masakit sa PaoLita heart ‘yan pero kung saan at kanino ka liligaya, GOWWWWW!!!!!”

Ang sinasabing PaoLita ay ang pinagsamang pangalan ni Kimpoy at ng bestfriend nito at vlogger rin na si Angelita Cayetano.

May mga nagbigay ng babala na ia-unfollow na nila ang binata sa vlogs nito.

Si @marge_salor, “Unfollow na kita. Kating kati ka magflex jan. So ibig sabihin ginagamit mo lang pala si angge sa lahat ng vlogs mo noon. Akala din namen may something kayo. Nakakawalang gana na panoorin mga vlogs mo.”

Mensahe ni @mhay.chan, “We love you Kimpoy, but I really can’t accept this. We’ve been your followers ever since you started vlogging and we always support you no matter what, but this is unacceptable.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimpoy Feliciano (@kimpoyfeliciano)

Samantala, sinagot ni Heaven ng, ““Luv u forever beh!!!” ang mensahe ni Kimpoy.

Grabe ang komento rin ng netizens sa aktres na parang ang laki ng nagawang kasalanan nito.

Sabi ni @jdotlaa, “@heavenperalejo too fast to move on baka tomorrow I hate you forever na ahahahah.”

Mula kay @itsjaninemarie09, “@heavenperalejo ang taray nka pinned comment pa (emojis crying) lahat ata nakaka-partner sa palabas nito jinowa.”

Say naman ni @shielavillaroya, “@heavenperalejo maamo ang mukha pero hindi sa gawa.”

Nasabihang ‘ang babaeng walang pahinga’ ang dalaga ni @iamsuperpau, “taray naman ni @heavenperalejo walang pahinga char!”

Tanong naman ni @mareyamariah, “@heavenperalejo gang kelan yang forever mo?”

Hirit pa ni @pimenteljellyann, “@heavenperalejo sayang Yung name mo hindi bagay sayo btw waiting sa hiwalayan… Maybe after Xmas?”

Well, kung totoo man na may relasyon na nga ang dalawa, masisisi ba natin si Heaven kung madali siyang ma-in love?

Related Chika:
Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!
Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending