Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n'yo muna 'yung tao on a personal level | Bandera

Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level

Therese Arceo |November 09,2021
facebook
share this

Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level

Therese Arceo - November 09, 2021 - 04:56 PM

Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n'yo muna 'yung tao on a personal level

TRENDING na naman sa social media ang aktres na si Heaven Peralejo matapos mag-viral ang litrato nito kasama ang vlogger at social media personality na si Kimpoy Feliciano.

Spotted kasi na magkasama ang dalawa sa Tinipak River sa Tanay, Rizal kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.

In-upload rin ni Kimpoy ang kanilang mga litrato sa kanyang social media accounts.

“It’s not the place, it’s always the people,” caption ng binata sa kanyang post.

Agad namang umani ng kaliwa’t kanang pangbabatikos mula sa mga netizens ang post ni Kimpoy dahil sa pagiging close niya kay Heaven.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimpoy Feliciano (@kimpoyfeliciano)

“Para sa mga rude sa comment section, magkaibigan kami ni Heaven,” saad ni Kimpoy.

Aniya pa, hindi daw dapat husgahan si Heaven lalo na kung base lang ito sa mga nakikita o nababasa online.

“If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level before kayo manghusga,” dagdag pa nito.

Giit pa niya, wala naman siyang nakikitang mali sa pakikipag-bonding kila Heaven pati na rin sa ibang tao.

Nilinaw rin nito na wala siyang ka-relasyon dahil nadadamay rin ang pangalan ng kanyang bestfriend at isa ring vlogger na si Angie Cayetano.

“Hindi po kani ni Anghet (Angie) and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama.”

Matunog ang pangalan ni Heaven buhat nang maiugnay ito sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Devon Seron at Kiko Estrada.

Bagamat nila ng kampo ng aktres na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dalawa, hindi pa rin naniwala ang madlang pipol at lalong naimbyerna sa dalaga matapos nitong aminin ang kanilang relasyon ni Kiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit kamakailan lang rin nang aminin ni Heaven na siya ay single at kinumpirma rin niyang hiwalay na nga sila ng aktor.

Matapos nito ay na-link rin siya sa kanyang leading man sa “Pasabuy” na si Gino Roque IV ngunit nilinaw namg dalawa na magkaibigan at magkatrabaho lamang sila.

Related Chika:
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending