Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly! Bandera

Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!

Therese Arceo |November 26,2021
share this

Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!

Therese Arceo November 26, 2021 - 09:31 AM

Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!

VIRAL ngayon ang birthday message ng vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano kay Kapamilya star Heaven Peralejo na nagdiwang ng kanyang ika-22nd birthday kahapon, Nov.25.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi nito ang dalawang litrato nila ng aktres sa beach. Kalakip rin nito ang pangako ng binata na palagi lamang siyang nandyan para sa aktres kahit ano pa man ang mangyari.

“Happy Birthday to this beautiful soul. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise,” saad ni Kimpoy.

Nag-comment si Heaven sa post ng vlogger-actor.

“Luv u forever beh,” reply ni Heaven.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimpoy Feliciano (@kimpoyfeliciano)

Dalawang oras matapos ang kanyang birthday greeting ay muling nag-post si Kimpoy sa kanyang Facebook account.

“Surrounded by so much love right now. Don’t worry about me. I’m genuinely happy.”

Agad namang umani ng reaksyon mula sa mga netizens ang mga posts ni Kimpoy. Marami tuloy sa mga madlang pipol ang na-curious kung ano ba ang meron sa pagitan nina Heaven at Kimpoy.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan na kung ano ang real score sa pagitan nina Kimpoy at Heaven noon matapos mamataan ng mga netizens ang post ng vlogger-actor kasama ang Kapamilya actress at ang mga kaibigan nito sa Tinipak River sa Tanay, Rizal.

Ngunit agad namang nilinaw ng dalawa na magkaibigan lamang sila.

Dahil nga sa naturang post ay dumami na naman ang mga bashers ni Heaven ngunit agad naman siyang ipinagtanggol ni Kimpoy.

Sey ni Kimpoy noon, “If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

Pero friends pa rin kaya ang namamagitan sa kanila o baka naman nag-level up na ang kanilang friendhip?

Ano nga ba ang meron sa inyong dalawa, Heaven at Kimpoy? Sweet lang ba talaga si Kimpoy “as a friend” o baka naman “more than friends” na ang tingin n’yo sa isa’t isa?

Anyway, bukas ang BANDERA para sa inyong paglilinaw hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending