Cassy napa-'OMG!' sa litrato nina Mavy at Kyline | Bandera

Cassy napa-‘OMG!’ sa litrato nina Mavy at Kyline

Therese Arceo - November 16, 2021 - 03:42 PM

Cassy napa-'OMG!' sa litrato nina Mavy at Kyline

USAP-USAPAN ngayon ang litratong in-upload ng kakambal ni Cassy Legaspi na si Mavy Legaspi kasama ang kanyang ka-loveteam at crush na si Kyline Alcantara.

Nag-post si Mavy sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Kyline na may caption na “Sunflower, my eyes, want you more than a melody.”

Tanging heart at fire emoji lang ang reply ni Kyline ngunit sapat na ito para kiligin ang kanilang mga taga-suporta pati na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at kasama sa industriya.

“My gasssshhh,” comment ni Heart Evangelista.

“OMGGGGG (crying emoji)” comment naman ng kambal nitong si Cassy.

Nag-reply naman si Mavy sa comment niya at sinabing “yes maria cassandra?”

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

May mga fans tuloy na nagsabing ‘wag nang malungkot si Cassy dahil nandyan naman para sa kanya ang singer-actor na si Darren Espanto.

Anyway, nitong nakaraang mediacon ng kanilang teleseryeng “I Left My Heart in Sordogon” ay inamin ni Mavy na nag-level up na ang kanilang relasyon ni Kyline.

Mukhang nasa ligawan stage na nga ang dalawa maski hindi nila ito direktang sinagot.

“Siguro, maybe. This is a very showbiz answer but I really enjoy his company. Like truly, from the bottom of my heart, I really enjoy his company as friends and as… Well, we don’t know the future,” sagot ni Kyline nang tanungin kung nililigawan nga ba siya ni Mavy.

Dagdag pa ng dalaga, si Mavy ang pinaka-gentleman sa mga lalaking nakilala niya.

Well, mukha namang walang problema kung magle-level up muli ang pagtitinginan ng dalawa dahil botong boto naman ang parents ni Mavy kay Kyline at mukhang ganoon rin ang pamilya ng dalaga kay Mavy.

Matatandaang sinagot ni Carmina Villarroel na pasado si Kyline sa kanya sakaling maging mag-dyowa sila ng anak niyang si Mavy namg tanungin siya ni Camille Prata sa “Mars Pa More with Pars Kim Atienza”.

Anyway, mapapanood ang dalawa sa “I Left My Heart in Sorsogon” mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GMA 7.

Related Chika:
Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin
Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n’yo sa socmed wala pong scripted du’n, promise!
Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending