Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame Bandera

Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

Therese Arceo |October 27,2021
share this

Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

Therese Arceo October 27, 2021 - 07:47 PM

Cristy, Lolit, Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

INAMIN ng talent manager at manunulat na si Lolit Solis na inaawitan nila nina Cristy Fermin at Mr. Fu ang TV host-comedian na si Willie Revillame ng bago at mamahaling cellphone.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Lolit kung gaano sila nagkagulo sa show nilang “Take It Per Minute Me Ganun” dahil nape-pressure si Cristy sa pagtawag kay Willie Revillame.

“Katawa iyon gulo natin sa TIPMMG, Salve. Talagang pressured si Cristy na tawagan si Willie Revillame para makuha ang advance Christmas gift para sa TIPMMG, hah hah,” pag-uumpisa ni Manay Lolit.

Aniya, si Cristy ang naatasang tumawag kay Willie dahil ito raw ang pinaka-close sa TV host.

“Pinilit ko si Cristy na hingin IPhone 13 para sa atin tatlo ni Mr Fu. At dahil pinaka close si Cristy kay Willie, siya ang ginawang ninang sa pag lambing na ibigay na regalo para sa atin ang IPhone 13,” saad ni Lolit.

Naloka pa nga si Lolit dahil parehas sila ni Cristy na low tech pero bet pa rin nila ng magandang phone kahit hindi naman nila ito alam gamitin.

“Tutal talagang madali lambingin ni Cristy si Willie Revillame kaya parang done deal na ang hinihingi natin IPhone 13, kundi lagot siya kay Japs Gersin at Tina Roa, di namin siya tatantanan ng katatawag, hah hah,” dagdag pa ni Lolit.

Nakiusap naman si Lolit na sana ay sagutin na ni Willie ang tawag ni Cristy.

“Kaya Willie Revillame, sagutin mo na ang tawag ni Cristy, para happy na kami nila Salve at Mr Fu. Bakit hindi kasali si Gorgy ? Ah kasi ang gusto niya phone Samsung, hah hah.”

May mga netizens naman ang tila hindi nagustuhan ang ginawa nila Lolit.

“Naks Ang Bawal Dikatahan pero Pwede Mangealam ng Buhay hahhaha, Anong Hong Gagawin nyo sa IPhone 13? Imbes Na Pantulong nalang sa 5 Family with 20 Thousands each anong Gagawin nyo? Maninira sa Social Media? Mangengealam ng Buhay Pamilya? Yucks,” comment ng isang netizen.

“Bumili nlng kayu,kasi ang ibigay ni willie sa inyu,itulong nya nalang sa mahirap na tao na nangangailangan…” sey naman ng isa pa.

Ngunit mukha namang kahit hindi sumagot si Willie ay sure na magkakaroon na ng bagong phone si Lolit dahil nag-comment sa post niya ang isa sa mga bumubuo ng Gretchen Love Box na si Rusky Fernandez at sinabing ipapaabot raw niya ang wish nila Lolit kay Gretchen Barretto.

“Hello this might be your lucky day Nanay lolit I’m one of the gretchen love box team since we are starting now the Christmas wish list give away I think this will be our first make it happens wish , i will screen shot this and send it now to Gretchen . and your wish will surely be granted,” saad nito.

Related Chika:
Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya
Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending