Mayor Isko binatikos ang pagkandidato ni VP Leni; Mariel nilinaw na ‘di kapangyarihan ang dahilan ng pagtakbo ni Robin
NAG-REACT si Manila Mayor Isko Moreno patungkol sa dahilan ng pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo sa darating na 2022 national elections.
Isa kasi sa mga dahilan ng kaniyang pagdedesisyon na tumakbo ay dahil sa pagtakbo ng anak ng yumaong diktador na si Bongbong Marcos.
“Talaga? So ‘yun lang ang dahiln niya? ‘Yun lang ang dahilan niya kung bakit siya tatakbo dahil lang laban sa mga Marcos na naman?” saad ni Yorme.
“Paano naman kaming mga Pilipino? Wala kaming trabaho. Maraming Pilipino nagdidildil na lang ng asin. Maraming Pilipino hindi malaman ano ang naghihintay sa kanya kinabukasan, Marcos na naman?” dagdag pa nito.
May patutsada rin ito sa m campaign color na ginagamit ni VP Leni.
“Bakit kailangan uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino? Sa away ng anak ni Marcos, at mga anak at kasama ng yellowtards, ay pink na pala, sorry.
“Wag kayong magpapalinlang sa pagpapalitan ng kulay… ang tanso, tubugin man ng ginto ay tanso pa rin.
“A fake leader with a fake color is a fake character,” dagdag pa nito.
* * *
NILINAW ng dating TV host-actress na si Mariel Padilla ang asawa na si Robin Padilla matapos itong maghain ng certificate of candidacy sa pagkasenador sa darating na 2022 national elections.
Byernes, Oktubre 8, nang pormal itong maghain ng kandidatura kasama ang kapatid nitong si Rommel Padilla na tatakbo naman sa pagka-congressman ng First District ng Nueva Ecija.
“Robin is nog hungry for money or power. He is at a point in his life wherein he just wants to make a difference. Put action to all his complaints. Speak for the muslims. Behind you, beside you and with you all the way @robinhoodpadilla,” saad nito sa kaniyang IG post kalakip ang litrato ni Robin nang siya’y mag-file ng COC.
Si Robin ay tatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng partidong PDP-Laban Cusi wing
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.