LOVI POE, ROCCO NACINO huli sa akto, naghahalikan kahit wala sa harap ng mga camera

By Dinno Erece September 09,2013
share this

LOVI POE, ROCCO NACINO huli sa akto, naghahalikan kahit wala sa harap ng mga camera

By Dinno Erece September 09,2013
share this

Naghahalikan off screen sina Lovi Poe and Rocco Nacino? Pilot today ng Akin Pa Rin Ang Bukas sa TeleBabad block ng GMA after Annakarenina.

This is Lovi and Rocco’s fourth project together as loveteam. First time pinagsama sa Mistaken Identity, a four episode entry sana sa Dear Friend pero naging stand alone, their loveteam really shone sa Afternoon Prime na Yesterday’s Bride.

Currently, napapanood din ang tambalan nina Lovi and Rocco sa GMA News TV original series Titser every Sunday at 7:15 so weeknights, they are at GMA TeleBabad block and Sundays, sa GMA News TV naman.

Now, noon pa man ay natsitsismis ang dalawa na may something going on sa kanila pero nanatili ang stand ng dalawa na friends lang sila.

Kahit nga may natsismis na may ibang pinagseselosan si Rocco over Lovi, it was proven that it was just a tsismis at wala raw karapatan magselos si Rocco dahil hindi nga sila.

Hanggang going out pa lang din ang ginagawa nila and this they do not deny dahil close nga sila after doing several projects together. Still, the rumor persists about them being more than friends.

Say sa tsika, nakikita raw ang dalawa na naghahalikan sa set ng kanilang magbubukas na serye and this is off screen. Technically, so true and so false daw ito say ng dalawa.

True na naghahalikan ang dalawa pero beso-beso lang ito at kapag dumarating sila sa set na parang pang good morning nila and that’s just about it.

For the record though, nanatiling single ang dalawa and their show will run for 16 weeks so tingnan natin kung magkakaroon sila ng development.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending