Pamangkin ng soprano gustong pasukin ang showbiz
Tanyag na soprano si Rachelle Gerodias, isa sa mga pinakamatunog na pangalan sa larangan ng opera sa bansa. At tila may iba pang nais na magpamalas ng talento mula sa kaniyang angkan.
Humarap si Moshelle Gerodias, anak ng kapatid na lalaki ng opera diva, sa ilang piling manunulat sa Quezon City kamakailan upang magpakilala, at ihayag ang pagnanais niyang makapasok sa makulay na mundo ng showbiz.
“I really didn’t dream of getting into show business, the opportunity just came,” ani Gerodias, 22, nag-aaral ng Entrepreneurship sa Miriam College sa Quezon City.
“When I was a young girl, my aunt would give us voice lessons. She’d always tells us to be confident, and always practice,” binahagi pa niya.
Ngunit sa halip na opera, pop and kinahiligang awitin ni Gerodias. At ito ang nais niyang ipamalas sa mga manonood. Nais din umano niyang mapanood sa mga drama sa telebisyon, katulad ng idolong si Marian Rivera.
“She’s my inspiration. Seeing her in ‘Marimar,’ she was both sexy and innocent,” patungkol ni Gerodias sa Kapuso Primetime Queen.
Bahagi si Gerodias ng maliit na pangkat ng mga alaga ng bagong talent agency na Dragon Talent and Management, kung saan din nabibilang ang Tourism Management graduate na si Christa Jocson.
Ngunit hindi tulad ni Gerodias, bata pa lang si Jocson pangarap na niyang maging artista.
“I enjoy watching Bea Alonzo’s movies, and I would love to work with her someday,” binahagi ni Jocson.
Sa kabila ng pag-iral ng pandemyang bunga ng Covid-19, na nagpahina sa industriya, buong giting na nangahas sina Gerodias at Jocson na subukan ang pag-aartista, sinabing walang ibang panahon pa ang pinakamainam upang abutin ang mga pangarap kundi ang kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.