Mayor Isko ipinagbawal ang mga aktibidad sa labas ng simbahan sa Pista ng Sto. Niño | Bandera

Mayor Isko ipinagbawal ang mga aktibidad sa labas ng simbahan sa Pista ng Sto. Niño

Chona Yu - January 14, 2021 - 07:28 AM

Manila PIO photo

Walang isasagawang aktibidad sa labas ng mga simbahan sa Maynila sa darating na selebrasyon ng Pista ng Sto. Niño ngayong Enero 16 hanggang 17.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa banta ng Covid-19.

Alinsunod sa Executive Order No. 02 ng alkalde, mahigpit na ipinagbabawal ang mga parada, palarong kalye, stage show at street parties sa Tondo at Pandacan sa Maynila.

Ipagbabawal din ang pagbebenta ng alak sa darating na Sabado at Linggo habang istriktong ipatutupad ang curfew hours sa lungsod.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Mayor Isko ang mga kapulisan at opisyales ng barangay sa Maynila na tiyakin ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga alituntuning ipatutupad sa mga araw ng kapistahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending