Sheena nag-aalala para sa panganay na anak; 'Darna' naging bahagi ng buhay ni Barbie  | Bandera

Sheena nag-aalala para sa panganay na anak; ‘Darna’ naging bahagi ng buhay ni Barbie 

Ervin Santiago - June 20, 2020 - 08:42 AM

HINDI man natuloy ang kanilang honeymoon dahil sa COVID-19 pandemic, natanggap agad nina Sheena Halili at Jeron Manzareno ang surprise gift mula sa langit.

Kamakailan nga ay masaya at excited na ibinalita ng Kapuso actress siya ay nagdadalang-tao na sa first baby nila ng asawa. 

Ayon kay Sheena, isang buwan matapos silang ikasal ni Jeron  noong Pebrero ay nabuntis na siya. 

Aniya, “After a month naming kinasal, nagka-baby kami agad. Nagulat nga kami kasi siyempre hindi natuloy ‘yung honeymoon namin. May blessing agad si Lord after nu’ng kasal.”

At dahil sa patuloy pa rin ng banta ng COVID-19 crisis sa bansa, hindi maiwasan ni Sheena na maging emosyonal dahil iniisip niya ang kapakanan at kinabukasan ng kanyang magiging panganay.

 

“Siyempre, hindi mo rin talaga maiwasan mag-worry, iba kasi talaga. 

“Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin pero ngayon talagang may baby, sobra talagang mas naging protective kami,” pahayag pa ni Sheena.

                            * * *

Nagpapasalamat naman si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa walang-sawang suporta at pagtitiwala sa kanya ng GMA.

 Mula sa kanyang unang acting stint bilang batang Jodi sa “Stairway to Heaven” taong 2009 ay hindi na siya nawalan ng project sa kanyang  mother network.

 “After ng Stairway to Heaven, kinontak na kami ng GMA Artist Center at nag-sign kami ng contract. Doon na nag-start ang journey ko as a Kapuso. 

“Doon pa lang masasabi ko na proud to be Kapuso ako kasi nag-take sila ng risk sa akin and since then hindi nila ako pinabayaan and they kept their word na aalagaan nila ako,” aniya.

Dagdag pa ni Barbie, hindi lang daw bilang artista siya proud na Kapuso, dahil bata pa lang daw ay supporter na talaga siya ng Kapuso Network at parte ng kanyang childhood ang classic shows ng GMA gaya ng “Encantadia”, “Lupin” at “Darna.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, habang tigil muna ang taping ng pinagbibidahang primetime soap na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday”, napapanood si Barbie sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending