NIYANIG ng magnitude 5.1 ang Aurora kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:10 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 15 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Luis. May lalim itong pitong kilometro.
Posible umanong nagdulot ito ng pinsala, ayon sa Phivolcs. Maaari ring magkaroon ng aftershock ang mga pagyanig na ito.
Naramdaman ang :
Intensity VI – Baler, Aurora
Intensity IV – Palayan City at Dingalan ,Aurora
Intensity II – Quezon City
Instrumental Intensity
Intensity IV – Palayan City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.