Utol ni Allan K pumanaw dahil sa cancer: Mami-miss kita, bunso…
PUMANAW na ang bunsong kapatid na lalaki ni Allan K, si Jun Quilantang.
Cancer ang dahilan ng pagpanaw ang kapatid ng TV host-comedian.
Medyo matagal-tagal ding nakibaka sa kanyang sakit si Junjun. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-deteriorate na ang kundisyon ni Junjun hanggang sa hindi na niya ito nakayanan.
Siya ang nagsisilbing musical director sa mga show nina Jose Manalo at Wally Bayola. Kung minsan naman ay nagiging back up musical director din siya ni Allan K.
Pagpupugay ng Eat Bulaga Dabarkads sa kanyang kapatid sa pamamagitan ng Instagram, “The good Lord will take care of you in heaven.
“Rest well BUNSO. Your manong Allan will always miss you. Ngayon pa lang nami miss na kita eh.
“Bye for now. Regards to nanay and tatay in heaven.”
Ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Junjun.
* * *
Kinaya kaya ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang magsalita ng Tagalog sa buong araw? Malalaman ito sa pinakabago niyang vlog sa YouTube.
Ayon sa aktres, ang nag-udyok sa kanya na gawin ang challenge na ito ay dahil pinupuna siya ng ilang viewers na hindi raw siya madalas nagsasalita ng Tagalog.
Aniya, “Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagsabi na gawin ko ‘to dahil natutuwa talaga ako na sinubukan ko siya kahit hindi ko ginawa ng isang buong araw dahil baka mag-away kami [ni Amit], natutuwa pa rin ako dahil sinubukan ko siya at marami din akong natutunan sa napakaikling panahon.”
Habang hindi muna napapanood si Rhian sa GMA primetime series na Love of my Life dahil stop taping ang mga programa bunsod ng sitwasyon ng bansa ngayon, inaaliw na lang muna niya ang fans sa kanyang vlogs.
Samantala, simula Lunes (May 18), muling mapapanood ang pinagbidahang serye ni Rhian kasama si Dingdong Dantes na Stairway To Heaven pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.