Tito Sen pinagtawanan ng netizens, tinawag na paasa, clown, prankster
“PAASA”. “Clown”. “Greatest prankster.” Ilan lang yan sa mga hugot ng netizens para kay Senate President Tito Sotto.
Muling napasama sa mga top trending topic sa Twitter ang pangalan ng senador matapos itong mag-abstain sa Senate Resolution No. 395, na naglalayong hikayatin ang National Telecommunications Commission na bawiin ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.
Isa si Tito Sen sa siyam na senador na nag-abstain sa resolusyon, kasam sina Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Francis Tolentino, Cynthia Villar, Imee Marcos, Bato Dela Rosa, Bong Go at Bong Revilla. May 13 senador naman ang bumoto pabor dito.
Sa official statement ng Senado, nag-abstain ang siyam na senador dahil nasa Korte Suprema na raw ang desisyon kung papayagan pang mag-operate ang ABS-CBN kahit expired na ang prangkisa nito.
Dahil dito, na-bash nang bonggang-bongga ang comedian-politician at ipinamukha ang dati niyang tweet tungkol sa issue. Ani Tito Sen, “ABS franchise, bring it to the Senate, we will approve it.”
Bakit daw bigla siyang kumambyo at nag-abstain sa resolusyon ng Senado. Tinawag siyang pabibo ng ilang netizens at pinaasa lang daw niya ang madlang pipol.
Sabi pa ng ilang netizens, siya na talaga ang pinakanakakatawang comedian sa mundo at tinawag pang “greatest prankster”.
Comment pa ng isang netizen, “Tito Sotto dropping jokes after jokes. A true comedian.”
“Tito Sotto, you’re not a clown. You’re the whole circus,” sey pa ng isa.
“Tito Sotto is just like any other clout chaser ano? He only trends because of yet another clownery,” komento naman ng isang Twitter user.
May mga nagtanggol naman sa senador at sinabing tama lang ang naging desisyon nito dahil nasa Supreme Court na raw ang kaso. Mas alam daw ng TV host ang mga batas kesa sa mga nagmamarunong na trolls at bashers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.