2018 Patola King & Queen: 8 Resbaker na walang inuurungang basher | Bandera

2018 Patola King & Queen: 8 Resbaker na walang inuurungang basher

Bandera - December 29, 2018 - 12:05 AM

MALAKING bahagi na ng buhay ng mga artista ang social media. Isa ito sa mga paraan para maging connected lagi sa kanilang fans and followers at maibandera ang mga ganap sa kanilang professional at personal na buhay.

Kaso nga lang, talagang part na rin ng kanilang everyday life ang mga bashers at haters na walang ginawa kundi manlait at mangnega.

Kadalasan, dedma lang ang mga celebrity na binu-bully sa socmed pero may ilan ding mga resbaker na walang takot na nakikipagtarayan lalo na kung below the belt na ang pambabastos.

Naglista kami ng ilang kilalang local celebrity na pasok na pasok sa titulong Patola King & Queen dahil sa kanilang tapang at paninindigan kontra cyberbullies sa social media.

LUIS MANZANO

Matatawag na hari ng mga patola ang TV host-actor dahil halos lahat yata ng trolls na nangnenega sa kanya ay hindi niya pinalalagpas. Hinahamon pa nga niya ang mga basher na makipagkita sa kanya at saka sila tuos. The latest was when her girlfriend Jessy Mendiola had a prod number sa ASAP at binash na naman ng isang netizen. Kumasa agad si Luis at nagtanong sa kanyang followers kung saan ito nakatira para mapuntahan niya nang personal.

KRIS AQUINO

Ang reyna ng social media pwede na ring tawaging Queen Patola. Kilala na ng lahat na aktibo sa pag-update si Kris sa social media ng mga ganap sa kanyang buhay. This year alone marami na siyang niresbakang troll sa iba’t ibang issue tulad ng tax returns, lovelife at maging sa pagsasampa ng kaso laban sa dating business partner. Pero para sa amin ang pinaka-dabest na hirit ng tinagurian ding Basag Queen ng socmed ay nang sabihan niya ang isang hater na magpatingin na sa psychiatrist at sagot na niya lahat ng gastos.

JULIA BARRETTO

Sosyalin naman ang pagsagot ng Kapamilya actress sa kanyang bashers kaya aliw na aliw ang kanyang followers. Huling pinatulan ng dalaga ay ang hater na inggit na inggit sa pagiging super close nila ng kanyang dyowang si Joshua Garcia. May birthday celebration that time si Joshua at bago ang party ay nag-post sa IG si Julia na masama ang kanyang pakiramdam.
Sinabihan naman siyang pa-epal at immature ng basher na sinagot ni Julia ng, “Oh Cherry. I did say I was sick but did I ever say I couldn’t make it? Are u mad at the fact that I’m the woman who owns and holds the heart of Josh? See you later. I won’t be too hard to find, I’ll be the beautiful woman holding his hand (hearts emoji).”

REGINE VELASQUEZ

Kulang na lang ay ipako sa krus at sunugin ng buhay ang nag-iisang Asia’s Songbirdmula nang layasan niya ang GMA at lumipat sa ABS-CBN. Tinawag siyang ingrata, laos, mukhang pera, walang utang na loob at kung ano-ano pang masasakit na salita. Feeling ng Songbird, sobra na ang pang-iinsulto sa kanya ng bashets at sa kanyang asawang si Ogie Alcasid kaya naglabas na siya ng open letter.
“Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son. Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao. Tutal naman po nayurakan n’yo na ng bonggang bongga ang pakatao ko na parang bang may nagawa akong masama sa inyo personally.”

SHARON CUNETA

Sa estado niya sa industriya, maraming nagpapayo sa Megastar na huwag nang pumatol sa haters pero dedma lang sha! Wala siyang keber na makipagsagutan sa basher lalo na kung alam niyang fake news ang ipinapakalat. Basag na basag nga ang isang netizen na pilit sinasabing nagparetoke ng ilong si Sharon. Banta pa nga niya, kapag tumulis ang kanyang ilong ay itutusok niya sa mata ng basher.

LEA SALONGA

Award-winning international star man ay patola rin. Opinionated that she is, hindi lang bashers ang sinasagot ni Lea kundi pati ang mga nakikita niyang mali sa paligid. Mula sa mga eksena sa airport hanggang sa palala nang palalang problema sa trapik ay may hugot ang Broadway actress. Recently ay binasag niya ang isang basher na nagsabing nakinabang siya sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.
Resbak ni Lea, “Uhmm, if I may (since you tagged me, I can see it), I got paid only whatever performance fees were agreed upon between the palace’s social secretary and my management. To say na ‘nakinabang ako sa nakaw nila’ is a stretch. As for Cache Creek, I think we’re nearly sold out.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AGOT ISIDRO

Kung katapangan at paninindigan lang sa napapanahong isyu ng lipunan ang magiging laban, winner na si Agot diyan. Kung ang karamihan sa mga artista ay iwas na iwas at natatakot magpahayag ng kanilang opinyon hinggil sa iba’t ibang problema ng bayan, buong tapang namang lumalaban si Agot sa bawat sablay at kapalpakan ng Duterte government kahit na alam niyang milyun-milyong DDS (supporters ni Digong) ang uupak sa kanya.

JAMES REID

Hindi naman masyadong benggador si James Reid, pero recently tumatak ang isang resbak niya nang laitin ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre. Kinukwestyon kasi ng ilang netizens ang kredibilidad ng GF bilang singer na isa sa mga unang artist ng kanyang record label. Hirit ng hunk actor, “I love and support Nadine. Careless too. Don’t question that. Of course we don’t condone any hateful comments towards anyone. Honestly I don’t think it’s worth anyone’s time addressing them. Let’s focus on positivity. Careless won’t be working with anyone that insults my artists.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending