Utol ni James pabor din sa live-in: I think it’s fine! | Bandera

Utol ni James pabor din sa live-in: I think it’s fine!

Ervin Santiago |February 24,2018
facebook
share this

Utol ni James pabor din sa live-in: I think it’s fine!

Ervin Santiago - February 24, 2018 - 12:30 AM


PABOR din ang nakababatang kapatid ni James Reid na si Jack sa pakikipag-live in.

Sa ginanap na presscon ng pelikulang “Squad Goals” mula sa Viva Films kung saan isa nga si Jack Reid sa mga bida, natanong ang binata tungkol sa diumano’y pagli-live-in nina James at Nadine Lustre.

Ngunit sabi ng baguhang young actor, wala siya sa posisyon para pag-usapan ang personal life ng kapatid at ni Nadine, lalo na ang tungkol sa live-in issue, pero aniya, kasama raw niya ngayon sa bahay ang kanyang kuya.

Pero para sa kanya, wala siyang nakikitang masama sa pagli-live in ng dalawang taong nagmamahalan, “I think it’s fine, I think it’s normal because, at least in Australia, it’s so normal, especially if you’ve known each other for like a year. I don’t understand why it’s weird here.”

Boto rin daw siya kay Nadine para kay James, nakikita naman niyang masaya ang kanyang kuya sa piling ng dalaga, “And she’s (Nadine) like my big sister.”

Single raw siya ngayon, mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career. Wish ni Jack sana’y maraming manood ng pelikula nilang “Squad Goals” mula sa Viva Films na sinasabing millennial version ng classic youth-oriented film na “Bagets” ng pinagbidahan noon nina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco at JC Bonnin.

Ikalawang movie na ito ng gwapong binata, ang una ay ang suspense-horror na “Dark Room” pero supporting role lang siya rito. Bukod kay Jack (na tinaguriang #FASTBOI), makakasama rin niya sa “Squad Goals” ang iba pang miyembro ng grupong #FBOIs na sina Julian Trono (#FLYBOI), Vitto Marquez (#FITBOI), Andrew Muhlach (#FUNNYBOI) at Daniel Huschka (#FUNKYBOI) na pawang mga Viva artists.

Kuwento ni Jack, totoong magkakaibigan silang lima kaya lumabas na maganda at natural na natural ang mga eksena nila sa movie na idinirek ni Mark Meily. Showing na ito ngayong summer.

Para sa lahat ng fans ng #FBOIS, narito ang schedule ng kanilang mall tour: Feb. 24 – SM City Bacoor; March 04 – Ayala Malls Cloverleaf; March 10 – Ayala Malls Feliz; March 11 – SM City San Pablo; March 17 – SM City Iloilo; March 24 – Ayala Malls Harbor Point; March 25 – SM City Pampanga; April 07 – SM City Tarlac; April 08 – SM City Rosales; April 09 – Fisher Mall; April 14 – Ayala Malls Legazpi; April 22 – SM City Bicutan; April 28 – SM City Novaliches; at April 29 – Gaisano Starscene Davao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending