Drilon at Escudero nagbabala ng constitutional crisis sa harap ng impeachment vs Sereno
NAGBABALA ang dalawang senador ng constitutional crisis sa harap ng patuloy na pagtanggi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dumalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng inihaing impeachment laban sa kanya.
Ito’y matapos ang pahayag ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali na nakatakdang maglabas ng warrant of arrest ang House committee on justice na kanyang pinamumunuan sakaling tumanggi si Sereno na dumalo sa pagdinig.
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaari lamang na magpalabas ng subpoena ang Kongreso at ipag-utos ang pagdedetine sa isang testigo kung ito ay imbestigasyon para makagawa ng panukalang batas.
“It is not available in an impeachment proceeding,” sabi ni Drilon. “In effect, a subpoena will compel Sereno in an impeachment complaint to testify against herself.”
Kasabay nito, may panawagan si Drilon kay Umali.
“I therefore urge Cong. Umali to exercise extreme caution in using the coercive powers of Congress to issue a subpoena against Sereno as there is no basis and will provoke a needless constitutional crisis,” sabi ni Drilon.
Sinuportahan ni Sen. Francis Escudero ang pahayag ni Drilon.
“But if I remember correctly, the attendance/participation of the respondent in an impeachment case, or in any case for that matter, cannot be compelled to give evidence vs himself/herself even if he/she attends,” sabi ni Escudero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.