Pag-recruit ng pulis dapat higpitan | Bandera

Pag-recruit ng pulis dapat higpitan

Ramon Tulfo - August 17, 2017 - 12:10 AM

DALAWAMPU’T isang drug suspects patay sa isang gabi sa Bulacan – banner headline kahapon.

Kulang pa nga iyan. Marami pang dapat tepokin, lalo na yung mga addict na nanghoholdap, pumapatay at nanggagahasa.

Isama na rin yung mga abusadong pulis. Pero mahirap silang ubusin dahil halos kalahati yata ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay abusado.

 

***

Mga 10,000 bagong pulis ang kailangan ng PNP, ayon kay acting Interior Secretary Catalino Cuy.

Susmaryosep! Sampung libong karagdagang pulis ang maghahasik ng lagim sa sambayanan!

Kailangan munang maturuan ng good manners and right conduct ang mga aplikante sa pagka-pulis bago sila tanggapin.

 

***

Quality, not quantity.

Kailangang magaling at masipag kahit na kakaunti lang ang bilang.

Aanhin natin ang napakaraming pulis kung sila naman ay pawang mga tarantado, tatamad-tamad at tatanga-tanga.

Hindi ko po sinasabi yan dahil galit ako sa pulis; ang aking sinasabi ay batay sa aking karanasan bilang matagal na naging crime o police reporter at host ng programang “Isumbong mo kay Tulfo,” kung saan ay marami kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga abusado, tatamad-tamad at tatanga-tangang mga alagad ng butas, este, batas.

Kapag hindi hinigpitan ang pagre-recruit ng mga bagong pulis ay di mababago ang mababang pagtingin ng taumbayan sa PNP.

***

Noong araw ang Bumbay (Indian national) ang pinapanakot ng mga nanay sa kanilang makukulit na anak na paslit.

“Tahan na, anak, dahil may Bumbay na dumalaw sa kapitbahay at baka dalawin tayo at kunin ka,” ang madalas na sinasabi ng mga nanay.

Ngayon naman ay pulis na ang pinananakot ng mga nanay sa kanilang paslit.

“Tumigil ka na sa kaiiyak mo at baka kunin ka at kainin ka ni Karding-pulis.”

Dahil dito, lumalaki ang bata na takot na takot sa mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung nalampasan naman nila ang takot sa pulis ay gusto nilang maging pulis paglaki nila upang sila naman ang mang-api kanilang mga kapitbahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending