ABS-CBN kinilala ng Reader’s Digest Awards 2016 | Bandera

ABS-CBN kinilala ng Reader’s Digest Awards 2016

Ervin Santiago - July 17, 2016 - 12:30 AM

abscbn execs

PAGDATING sa TV networks, mas pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino ang ABS-CBN bilang source ng impormasyon at entertainment na naging dahilan para matanggap ng Kapamilya Network ang Platinum Trusted Brand Award, ang pinakamataas na gawad para sa isang brand sa taunang Reader’s Digest Trusted Brand Awards 2016 ng Reader’s Digest Asia-Pacific.

Nakamit ng ABS-CBN ang Gold Trusted Brand award for the TV Network category sa liminag magkakasunod na taon mula 2010 hanggang 2015, ngunit ngayong 2016 unang nakamit nito ang Platinum Trusted Brand Award.

Ayon sa Reader’s Digest, ginagawaran ng Platinum Trusted Brand award ang brands na bukod-tangi ang performance at nakaani ng iskor na napakalaki ang agwat sa pinakamalapit na kalaban. Sa 2016 Reader’s Digest Trusted Brand survey, nakakuha ng pinakamataas na iskor ang ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment organization sa bansa, sa TV network category sa survey na isinagawa sa mga mamimili sa Pilipinas ng CATALYST, isang global market research company. Nasa 1,000 respondents ang lumahok sa survey sa bansa.

Binigyan ang ABS-CBN ng mga lumahok sa suvery ng mataas na ratings batay sa Trustworthiness, Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, Innovation at Social Responsibility. Kalahati ng lumahok sa survey ay subscribers ng Reader’s Digest, habang ang iba ay respodents naman ay pinili upang kumatawan sa pangkalahatang populasyon.

Samantala, kinilala rin ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga ng Reader’s Digest bilang Most Trusted Entertainment/Variety Show Presenter na isang special award para sa most trusted personalities ng bansa.  Ang Reader’s Digest Trusted Brands Survey sa Asya ay inilunsad noong 1999. Taunan itong ginagawa at kasalukuyan ay nasa ika-18 na taon na. Layunin nitong kilalanin kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending