Philips Gold, Cignal pipiliting makabangon sa 2015 PSL Grand Prix | Bandera

Philips Gold, Cignal pipiliting makabangon sa 2015 PSL Grand Prix

Mike Lee - November 07, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Malolos Sports and Convention Center)
1 p.m. Meralco vs Philips Gold
3 p.m. Cignal vs RC Cola-Air Force
Team Standings: *Petron (6-2); Cignal (5-2); Philips Gold (4-2); Foton (4-3); RC Cola-Air Force (1-5); Meralco (0-6)
* –Semifinals

PAG-IINITIN uli ng Philips Gold at Cignal ang kampanya sa pag-asinta ng panalo sa magkahiwalay na laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayon sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Nakitang natapos ang apat na dikit na panalo, kalaro ng Lady Slammers ang Meralco sa ganap na ala-1 ng hapon at balak na maibalik ang dating tikas para ilapit ang sarili sa upuan sa semifinals.

Ang ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon ay sa hanay ng Cignal at RC Cola-Air Force at nais ng HD Lady Spikers na wakasan ang dalawang sunod na pagkatalo matapos walisin ang unang limang laro sa first round elimination.

Sa kasalukuyan, ang nagdedepensang kampeon Petron (6-2) ay nakakuha na ng puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo bukod sa ayuda ng Mikasa, Mueller at Senoh at ipinalalabas sa TV5.

Puwedeng umabante na rin ang Lady Slammers at HD Lady Spikers kung manalo sila sa kanilang mga laro. Kapag nangyari ito, pahinga na ang Power Spikers (0-6) habang ang Foton at RC Cola-Air Force na lamang ang magtutuos sa ikaapat at huling upuan sa semifinals.

Tiyak na hindi papayag ang Meralco na mamahinga agad at maaaring mailabas nila ang angking galing para manatiling palaban sa liga.

Kailangan nilang walisin ang nalalabing apat na laro at umasang hindi na magwawagi ang Philips Gold at Foton para may tsansa pa na makanakaw ng upuan sa playoff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending