DJ Mo walang takot na pinangalanan ang PBA exec sa sex scandal
Walang takot na ibinandera ni Mo Twister ang name ng PBA executive na na-link sa isang female model. Mo told a sports website operator kung sino ang executive na nagkaroon ng affair sa isang FHM model dati.
Siguro ay iyon ang ganti niya sa pag-ban sa kanyang podcast interview sa girl. Gigil na gigil si Mo dahil for the first time ay pinagsabihan siyang hindi ie-air ang kanyang episode.
Say ni Mo sa website article, siya ang nagsasabi kung dapat i-ban ang isa niyang episode, never na siya ang pinagsabihan. There were times na hindi niya ini-air ang kanyang podcast interview dahil na rin sa kahilingan ng kanyang iniinterbyu.
Actually, mukhang nasa beast mode si Mo lately. His recent tweet showed it, “Dear @Magic899, I give you permission to pay for better internet service & take it out of my salary, for the benefit of all,” tweet niya.
This was followed by, “and to the current Internet Service Provider of our show, put****na niyo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.