JUSTIN BIEBER ‘dumalaw’ sa Leyte, mga Pinoy nabwisit | Bandera

JUSTIN BIEBER ‘dumalaw’ sa Leyte, mga Pinoy nabwisit

Alex Brosas |November 16,2013
facebook
share this

JUSTIN BIEBER ‘dumalaw’ sa Leyte, mga Pinoy nabwisit

Alex Brosas - November 16, 2013 - 03:00 AM


Me kumalat na photos sa social media na talaga namang pinagtawanan nang husto. Ang mga photos kasi ay isang malaking peke. It showed international singer Justin Bieber na nasa Leyte at kapiling ng mga tao roon na nasalanta ni  Yolanda.

Pinalabas sa mga litrato na kuha ang mga iyon sa Leyte. Me mga kasamang bagets si Justin sa shots, meron pa nga siyang kinarga na isang young girl. The photo also showed him na nagtatali ng sintas ng isang bagets.

Galit na galit naman ang photographer na si Noel Orsal sa mga photos. “‘Yung nag edit nito ang kapal ng mukha, gamitin ba ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda para lang masabi na concern sa Pilipinas itong Justin.

Naalala nyo ba ang ginawa nito kay Manny Pacquiao. #Manggagamit,” reaksyon niya sa Facebook. “Siguro fan ni bieber yung gumawa nyan! kakahiya sya! indi biro biro yung gamitin nya ang mga biktima ng yolanda ha!!” one guy followed suit.

“Mukhang latino naman ang mga bata eh… hindi Pinoy,” obserbasyon naman ng isa pa. Actually, kuha raw ang mga photos sa Guatemala. Bumisita raw doon ang young pop idol.

Pinalabas na lang siguro na kuha ito sa Yolanda para magkaroon ng ilusyon na mabait si Justin at binisita ang mga batang biktima ni typhoon Yolanda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending