SHOOT sa kulungan ang 10 katao, kabilang ang apat na babae, na naaktuhang nagsusugal sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine sa Palayan City, Nueva Ecija, ilang oras makaraang magpamudmod ng cash assistance ang pamahalaang lungsod kahapon. Nasakote ang mga sugarol sa Brgy. Manacnac matapos isuplong ng kanilang mga kapitbahay, ani Col. Renato Morales, hepe ng […]
TAOS-pusong nagpasalamat ang “Game of Thrones” actor na si Miltos Yerolemou sa mga doktor ng The Medical City sa Ortigas na lumalaban sa pagkalat ng Covid-19. Tinawag ding bayani ni Yerolemou, na gumanap sa papel ni Syrio Forel, ang nagturo ng pakikipag-espadahan kay Arya Stark (na ginampanan ni Maisie Williams) sa sikat na TV series, […]
HINDI lang ang Tokyo Olympic Games, na nabago ang orihinal na iskedyul, ang multisport event na paghahandaan ng mga Filipino athletes sa taong 2021. Nakatakda rin kasing ganapin ang 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon at nais ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na ang biennial meet ay gawin tatlong […]
SA patuloy na pagdami ng bilang ng mga kaso ng Covid-19, hindi lang face mask, alkohol at mga bitamina ang nagkakaubusan ng supply sa mundo. Nanganganib din umanong magkaroon ng global condom shortage, ayon sa mga dalubhasa. Sinabi ng United Nations, magkakaroon ng “devastating consequences” sakaling kumonti ang mabibili at ipinamimigay na condom. “A shortage […]
IDADAGDAG sa hanay ng mga health workers ang 41 police personnel na may medical background sakaling dumami ang madadapuan ng Covid-19 sa Region 12. Inanunsyo ni Brig. Gen. Alfred Corpus, hepe ng Police Regional Office-12, na bumuo siya ng Medical Reserved Force mula sa kanilang hanay bilang paghahanda sa pagdami ng kaso sa rehiyon ng […]
ISANG buntis na nurse na galing sa Abu Dhabi ang nagpositibo sa Covid-19, ang kauna-unahang kaso ng nasabing sakit sa Kidapawan City at ikalawa sa probinsya ng Cotabato. Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, ang 29-anyos na nurse ay bumiyahe mula Abu Dhabi pa-Singapore at Maynila. Dumating siya sa Kidapawan mula sa Davao City. […]
MABABAWASAN ng isang kumperensiya ang Season 45 ng Philippine Basketball Association (PBA) kung magbalik aksyon ito matapos ang ipinatupad na extension ng Luzon-wide lockdown bunga ng coronavirus pandemic. Ito ang napagdesisyunan ni PBA Commissioner Willie Marcial at PBA board matapos ang kanilang pagpupulong via conference call nitong Martes ng hapon. Ayon sa isang Inquirer source, […]
KUNG Malacañang ang tanungin, walang dahilan upang isailalim sa lockdown ang Visayas at Mindanao, hindi gaya ng Luzon na sinasalanta ng coronavirus disease o Covid-19. Hirit ni presidential spokesman Salvador Panelo, maraming gobernador at mayor sa dalawang rehiyon ang isinailalim na sa quarantine ang kanilang nasasakupan para mapigilan ang pagpasok at pagkalat ng sakit. “Sa […]
IPINAALALA sa publiko ni National Capital Region Police Office chief Major Gen. Debold Sinas na bawal ang pagsasagawa ng mga mass gathering gaya ng prusisyon at Misa ngayong Semana Santa. Ani Sinas, makikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga miyembro ng Simbahan upang mapigilan ang mga pagtitipon-tipon ng mga deboto habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine […]
DAHIL wala pang katiyakan kung kailan nito maitutuloy ang mga laro bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic, naghahanap na ng mga opsyon ang Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito maipagpapatuloy ang ika-45 season ng liga. “We don’t know how long this is going to drag on,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial sa PBA website. […]
KASUNOD nang suspensyon ng mass gatherings bunsod ng coronavirus disease (COVID-19), bawal rin munang lumabas para sa ‘palaspas’ ang mga Katolikong Pinoy. Ang Linggo ng Palaspas o Palm Sunday ang simula ng paggunita ng Semana Santa. Kultura na sa Pilipinas ang selebrasyong ito simula nang yakapin ng bansa ang Katolisismo noong 16th century. Ngunit sa […]