P3K ayuda ng gobyerno ipinangsugal; 10 kulong | Bandera

P3K ayuda ng gobyerno ipinangsugal; 10 kulong

- April 14, 2020 - 04:25 PM

SHOOT sa kulungan ang 10 katao, kabilang ang apat na babae, na naaktuhang nagsusugal sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine sa Palayan City, Nueva Ecija, ilang oras makaraang magpamudmod ng cash assistance ang pamahalaang lungsod kahapon.

Nasakote ang mga sugarol sa Brgy. Manacnac matapos isuplong ng kanilang mga kapitbahay, ani Col. Renato Morales, hepe ng Palayan City Police.

Kinilala ang mga nadakip na sina Angelo Diongco, Roldan Viado, at Daniel Onia, pawang mga construction workers; mga vendor na sina Marilou Guerra at Gregorio Guerra; at estudyanteng si Garry Gatbunton.

Nadakip din sina Rogelio Gonzales, Tessa Sanchez, Theresa Onia, at Marites Guerra, 59.

Sa post sa social media, sinabi ni  Mayor Adrianne Mae Cuevas na masama ang kanyang loob na imbes ibili ng pagkain ay ipinangsugal lamang ng ilang mga residente ang tulong ng gobyerno.

Pinangunahan ni Cuevas ang pamimigay ng P3,000 cash assistance sa mga residente ng Brgy. Manacnac. –Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending