PNP sa Katoliko: Walang Visita Iglesia prusisyon, pabasa | Bandera

PNP sa Katoliko: Walang Visita Iglesia prusisyon, pabasa

- April 07, 2020 - 01:42 PM

 

IPINAALALA sa publiko ni National Capital Region Police Office chief Major Gen. Debold Sinas na bawal ang pagsasagawa ng mga mass gathering gaya ng prusisyon at Misa ngayong Semana Santa.

Ani Sinas, makikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga miyembro ng Simbahan upang mapigilan ang mga pagtitipon-tipon ng mga deboto habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon na layong pigilan ang pagkalat ng Covid-19.

“Sa ngayon, we already issued a directive na kung meron pong mass, kausapin ‘yung pari. Dapat wala ring procession dapat kausapin ang pari,” dagdag ni Sinas

“Pakiusap sa kababayan natin na magse-self-reflection: Magdasal kung pwede sa bahay n’yo na lang. Huwag na po kayo lumabas, huwag na kayo magpilit kasi baka masita pa kayo ng kapulisan natin,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Sinas na suspendido rin ang iba pang religious events tulad ng Visita Iglesia at pabasa.

“Walang Visita Iglesia na ‘yan, bawal po yan kasi quarantine pa tayo, bawal po lahat yan. Walang prusisyon, walang Visita Iglesia, walang pabasa. Pwede magpabasa kung diyan lang kayo sa bahay walang problema ‘yan pero kung ipunin mo yung kapitbahay mo, ‘yun po ay bawal,” paliwanag niya.

Samantala, sinegundahan ng Malacañang ang bilin ni Pangulong Duterte sa lahat ng Pilipino na magdasal nang sabay bukas, Miyerkules Santo, upang malampasan ng bansa ang pandemic.

“Hinihingi po ng Pangulo kung maaari bukas, Miyerkules, ay magkaisa po tayo na magdasal sa dakilang lumikha na tulungan po tayo dito sa ating suliranin upang mabigyan po tayo ng karunungan at kaparaanan upang maputol na po natin, matapos na po natin ang pag-spread ng coronavirus,” ani presidential spokesman Salvador Panelo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending