TAOS-pusong nagpasalamat ang
“Game of Thrones” actor na si Miltos Yerolemou sa mga doktor ng The Medical City sa Ortigas na lumalaban sa pagkalat ng Covid-19.
Tinawag ding bayani ni Yerolemou, na gumanap sa papel ni Syrio Forel, ang nagturo ng pakikipag-espadahan kay Arya Stark (na ginampanan ni Maisie Williams) sa sikat na TV series, ang mga health workers dahil sa kanilang serbisyo kontra sa virus.
Ipinadala ni Yerolemou ang video clip ng kanyang pasasalamat makaraang sumakabilang-buhay ang ama ng kanyang kaibigan noong isang linggo.
“His family told me of the care that your team gave him and the brave work that you do for all your patients each and every day,” ayon sa aktor.
“You face fatigue, shortages of supplies, and a very real risk of infection,” dagdag niya. “They want you to know that you, all of you are their heroes.”
“They also asked me to tell you to keep safe, rest well and to take care,” ani Yerolemou habang inisa-isa ang pangalan ng mga doktor ng ospital.
Nagpasalamat din ang aktor sa iba pang health workers at sinabing ipinadarasal niya ang kaligtasan ng mga ito.
Bago tapusin ang mensahe ay nag-Tagalog si Yerolemou at sinabi na,
“Huwag po kayong susuko. Bayani po kayong lahat. Maraming maraming salamat po.”
“Remember: there is only one thing we say to the god of death: Not today,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.