Bakit laging ‘happy ending’ ang mga pelikula ni Direk Cathy?
NAG-EXPLAIN ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana kung bakit mas pinipili niya ang”happy ending” sa mga ginagawa niyang pelikula.
Para kay Direk Cathy, mas gusto niyang lumalabas ng sinehan na masaya at inspired ang mga taong nagbabayad at nanonood ng kanyang mga movies.
“It’s so easy to become a director. You get a camera, point, shoot, edit, voilà, you already are a director.
“But the biggest question is what kind of director are you and why are you even telling this story?” ang pahayag ng direktor sa interview ni Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube channel.
Baka Bet Mo: Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko
Chika pa ng direktor ng super blockbuster movie na “Hello, Love, Again” starring Alden Richards and Kathryn Bernardo, ang batikang filmmaker na si Marilou Diaz-Abaya ang nakaimpluwensiya sa kanya nang bonggang-bongga.
View this post on Instagram
“Maraming nagtatanong, bakit lagi na lang happy ending, lagi na lang good vibes ‘yung ending ko. Na-inculcate sa akin ni Direk Marilou ‘yun eh, that cinema is an art but a form of entertainment so at the end of the day we entertain people,” she highlighted.
“Hindi maatim ng puso ko na umuwing luhaan ang manonood ko. Goal ko na ‘yun na every movie na lumabas ka ng pelikula ko na masaya, na lumabas ka ng pelikula ko na gusto mong magmahal uli,” esplika pa ni Direk Cathy.
“It became my, parang, okay lang, sige sabihin niyo ng hindi ako art director keribels lang, marami naman akong napapasayang tao.
“Kasi sabi sa akin ni direk Marilou, ‘You see, the awards, the award-giving bodies that’s okay. Sobra kang matutuwa pero ilan ang pumili sa’yo? Ilang tao lang ‘yung pumili na ‘yan para sa award mo pero ‘pag pinalabas mo ang pelikula mo at maraming nakagusto, ilan ang pumili sa’yo?'” aniya pa.
Dagdag pa niyang paliwanag, “It became my trophy. Every time maraming nanonood sa pelikula ko, my heart is overflowing with joy, because I know naka-touch ako ng hearts.”
Para sa direktor ng “Hello, Love, Again”, ang meaning ng tagumpay pagdating sa pagdidirek ay, “Success is measured by the number of hearts you touch with your films and I think I will forever do that until the day na mag-stop na ako mag-direk.
“I will forever attempt that every time I tell a story, it’s a story that will touch the hearts of the manonood, [na] paglabas nila ng sinehan, they would want to love life and love again,” pagbabahagi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.