PBA Season 45 mababawasan ng isang kumperensiya | Bandera

PBA Season 45 mababawasan ng isang kumperensiya

- , April 08, 2020 - 12:56 PM


MABABAWASAN ng isang kumperensiya ang Season 45 ng Philippine Basketball Association (PBA) kung magbalik aksyon ito matapos ang ipinatupad na extension ng Luzon-wide lockdown bunga ng coronavirus pandemic.

Ito ang napagdesisyunan ni PBA Commissioner Willie Marcial at PBA board matapos ang kanilang pagpupulong via conference call nitong Martes ng hapon.

Ayon sa isang Inquirer source, kung ipagpapatuloy ng liga ang mga laro nito magsisimula itong muli sa Philippine Cup at magsasagawa na lamang ito ng isang import-laced tournament.

At kung magtatagal pa ang lockdown posibleng isang kumperensiya na lamang ang ganapin at ito ay ang Philippine Cup kung saan ang San Miguel Beermen ay mabibigyan ng pagkakataon na palawigin ang kanilang limang season na paghahari.

“The important thing for us, as what has always been, is the safety of everyone in the league, especially the fans,” sabi ni Marcial. “As long as mass gatherings are not allowed, then the season will stay suspended.”

Sinabi rin ni Marcial na nagdesisyon din ang liga na mag-donate ng P1 milyong halaga ng personal protective equipment (PPE) sa isang ospital.

Patuloy din ang liga na magbibigay ng tulong sa mga game day staff, crew, referees at iba pang tauhan nito habang ang PBA D-League ay itutuloy din nilang muli.

“If the collegiate season is canceled, then we will most likely play the D League,” sabi ni Marcial. “I think it’s important that we give the basketball players in the country a league to play in. But we (together with the board) will still decide on that.”

Isang laro lamang ang naisagawa sa Philippine Cup bago ang lockdown na ipinatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte at agad namang tumalima ang liga sa panawagan ng Malacanang na itigil ang mga mass gatherings para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Sinabi ni Marcial na posibleng magsimula muli ang liga sa Hunyo 1 kung sakaling matapos na ang lockdown sa Abril 30 at bibigyan niya ang lahat ng mga koponan ng isang buwan para makapaghanda.

“We cannot have the players playing immediately, because we will all make them prone to injuries,” sabi pa ni Marcial. “It’s a struggle to keep in shape in these times, let alone in basketball shape.”

Napag-usapan din sa nasabing meeting ang posibilidad na pagdaraos ng tatlong kumperensiya base sa orihinal nitong plano subalit magtatapos naman ang ika-45 season ng liga sa Mayo ng susunod na taon.

Ang two-conference format ay mangangahulugan naman na walang tatanghaling Grand Slam champion ngayong season na nabigong makamit ng Beermen sa nakalipas na limang taon matapos maghari sa Philippine Cup.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay hindi pa batid kung alin sa Commissioner’s Cup o Governors’ Cup ang gaganapin kung sakaling baguhin na ang iskedyul ng season.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending