ISANG buntis na nurse na galing sa Abu Dhabi ang nagpositibo sa Covid-19, ang kauna-unahang kaso ng nasabing sakit sa Kidapawan City at ikalawa sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, ang 29-anyos na nurse ay bumiyahe mula Abu Dhabi pa-Singapore at Maynila. Dumating siya sa Kidapawan mula sa Davao City.
“The patient (PH3671) is now confined in an isolation center in the city,” ani Evangelista.
Ang nurse ang ikalawang nagpositibo sa COVID-19 sa Cotabato. Ang una ay isang 45-anyos na lalaki mula sa Midsayap. Kabilang siya sa grupo ng mga nagkasakit sa sabungan sa
Matina Gallera noong isang buwan. –Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.