NATAGPUANG patay noong Biyernes ang isang beteranong South Korean actor, na iniimbestigahan dahil umano sa sexual abuse ng kanyang mga estudyante. Kinumpirma ng mga pulis at fire officials na natagpuang patay si Jo Min Ki, 53, sa Seoul noong Biyernes ng hapon. Iniimbestigahan ng mga pulis si Jo dahil sa mga akusasyon ng sexually abuse […]
INUNGUSAN ng Team Lebron ang Team Stephen, 148-145, upang manaig sa 2018 NBA All-Star Game Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa Staples Center Los Angeles, California, USA. Isinalpak ni Lebron James ang go-ahead layup sa huling 34.5 segundo ng laban at pinigilan ang tangkang game-tying three-pointer ni Stephen Curry katuwang si Kevin […]
Isang tren ng Metro Rail Transit 3 ang nasira kaninang umaga. Pinababa ang daan-daang pasahero sa Santolan-Anapolis station northbound alas-11:53 ng umaga matapos na magkaroon ng technical problem ang tren. Ito na ang ika-anim na sunod na araw na nasira ang tren ng MRT. Nasira ang tren nito noong Enero 22, alas-6:45 ng hapon […]
LIBO-libong mga residente ang nagdiwang ng Pasko sa mga evacuation centers matapos naman ang pagtama ng bagyon Vinta, na itinuturing na pinaka naminsala, kung saan 120 ang namatay at 160 iba pa ang nawawala. Nagdulot ng mga landslide at flash flood sa maraming lugar sa Mindanao, partikular sa Lanao del Norte at Lanao del Sur […]
SINABI ng Las Vegas police na hindi na nila itinuturing na “person of interest ang isang Pinay kaugnay ng mass shooting sa country music festival, sa Las Vegas kung saan mahigit 50 katao ang namatay. Ayon sa mga pulis, hindi sila naniniwala na sangkot ang 62-anyos na si Marilou Danley sa nangyaring pamamaril noong Linggo […]
UMABOT na sa 50 ang nasawi matapos ang pag-atake sa isang concert sa Las Vegas, araw ng Linggo, ayon sa Nevada sheriff. Kinukonsidera na rin itong pinaka malala sa kasaysayan ng Amerika. Sinabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo na mahigit 200 katao ang sugatan sa Route 91 Harvest Music Festival on the Strip. Kinilala […]
HINDI matutuloy ang rematch nina Manny Pacquiao at Jeff Horn para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight title ngayong taon. Ito ay dahil magiging abala umano ang senador sa kanyang tungkulin sa pamahalaan. Sinabi kahapon ng mga Australian promoters ng laban na hindi kasi puwede si Pacquiao sa itinakda sanang title fight sa Nobyembre 12. […]
SINABI ng Philippine National Police (PNP) sa Bulacan na 21 ang napatay na mga sangkot sa droga matapos ang sunod-sunod na operasyon sa Bulacan. Idinagdag ng mga opisyal na ito na ang pinakamataas na bilang ng mga napatay sa isang araw mula nang inilunsad ni Pangulong Duterte ang gera kontra droga noong Hulyo noong isang […]
DINUKOT ng mga pinaghihinalaang Abu Sayyaf ang apat na empleyado ng isang paaralan sa Sulu isang araw matapos bumisita si Pangulong Duterte sa mga tropa ng gobyerno na siyang nagsasagawa ng operasyon laban sa teroristang grupo, ayon sa mga opisyal. Tinatayang 20 Abu Sayyaf ang pumasok sa isang elementary school sa Patikul, Sulu ilang saglit […]
REREPASUHIN ng World Boxing Organization (WBO) ang scoring sa Manny Pacquiao-Jeff Horn welterweight title fight ngunit hindi na babaguhin ang resulta ng laban. Ito ang naging tugon ng WBO sa Games and Amusement Board (GAB) na humiling ng pagrepaso ng laban matapos sabihin ni Pacquiao na hindi naging patas ang desisyon noong Linggo kung saan […]
ISINAGAWA ng Australian challenger na si Jeff “The Hornet” Horn ang isa sa pinakamalaking upset sa larangan ng boxing Linggo matapos nitong talunin ang multi-division world champion na si Manny Pacquiao para tanghalin na bagong World Boxing Organization (WBO) welterweight champion sa Brisbane, Australia. Ginulantang ng papaangat pa lamang na si Horn ang nagtatanggol na […]