Pacquiao-Horn rematch hindi matutuloy ngayong taon | Bandera

Pacquiao-Horn rematch hindi matutuloy ngayong taon

Melvin Sarangay - , September 02, 2017 - 12:06 AM

HINDI matutuloy ang rematch nina Manny Pacquiao at Jeff Horn para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight title ngayong taon.

Ito ay dahil magiging abala umano ang senador sa kanyang tungkulin sa pamahalaan.

Sinabi kahapon ng mga Australian promoters ng laban na hindi kasi puwede si Pacquiao sa itinakda sanang title fight sa Nobyembre 12.

Tinalo ni Horn si Pacquiao sa isang pinagtalunang unanimous decision sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2. Sinabi naman ni Pacquiao matapos ang nasabing laban na nais niya ang rematch.

“On behalf of the Philippines government, he (Pacquiao) will be part of a delegation that will visit China in the middle of his proposed preparation period for the fight,” sabi ni Australian promoter Dean Lonergan. “Pacquiao is committed to fighting again in 2018 and a rematch with Jeff Horn for the WBO world welterweight title.”

Ang American contender na si Jesse Vargas, na isang dating world title holder, ang posibleng ipalit kay Pacquiao para makalaban ni Horn ngayon taon ayon sa mga promoter.

Tinalo naman ni Pacquiao si Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision noong nakaraang Nobyembre sa Las Vegas, Nevada, USA.

Isang linggo matapos ang kanyang pagkatalo sa dating schoolteacher na si Horn, sinabi ni Pacquiao na hindi pa rin siya sang-ayon sa unanimous decision na nagresulta sa pagkawala ng kanyang welterweight title bagamat nagkaroon ng independent re-scoring ng laban na kumumpirma sa panalo ng Australian.

Sinabi ng WBO sa isang pahayag noon na tatlo sa limang independent judge na sumuri sa nasabing laban ang nagbigay ng panalo kay Horn, isa ang nagbigay ng panalo kay Pacquiao at ang isa ay umiskor ng draw.

Lumabas din sa nasabing rebyu na si Horn ay nagwagi sa pitong rounds habang si Pacquiao ay nanalo sa limang round. Ang laban ay ginanap sa harap ng 51,000 fans sa isang outdoor stadium sa Brisbane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending