South Korean actor na iniimbestigahan sa sexual abuse natagpuang patay
NATAGPUANG patay noong Biyernes ang isang beteranong South Korean actor, na iniimbestigahan dahil umano sa sexual abuse ng kanyang mga estudyante.
Kinumpirma ng mga pulis at fire officials na natagpuang patay si Jo Min Ki, 53, sa Seoul noong Biyernes ng hapon.
Iniimbestigahan ng mga pulis si Jo dahil sa mga akusasyon ng sexually abuse ng kanyang mga estudyante sa Cheongju University central South Korea kung saan isa siyang professor.
Nauna nang iginiit ni Jo na siya ay inosente, bagamat napaulat ang kanyang paghingi ng sorry.
Nagbitiw siya sa pagtuturo sa harap ng mga alegasyon laban sa kanya.
Nauna nang iniulat ng Yonhap News agency na isang kaso ng suicide ang pangyayari, bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa pulisya.
Kabilang sa kanyang mga Korean drama ay ang Scarlet Heart Ryeo, Queen Seondeok, at East of Eden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.