Team Stephen panis sa Team Lebron | Bandera

Team Stephen panis sa Team Lebron

- , February 19, 2018 - 02:57 PM

INUNGUSAN ng Team Lebron ang Team Stephen, 148-145, upang manaig sa 2018 NBA All-Star Game Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa Staples Center Los Angeles, California, USA.

Isinalpak ni Lebron James ang go-ahead layup sa huling 34.5 segundo ng laban at pinigilan ang tangkang game-tying three-pointer ni Stephen Curry katuwang si Kevin Durant para selyuhan ang panalo.

Tumapos si James- na nasa kanyang ika-14 All-Star appearance- ng 29 puntos, 10 rebounds at walong assists,  sapat para kilalaning All-Star MVP sa ikatlong pagkakataon.

Walong kakampi ni James na siya mismo ang namili ang nagtala ng double figures: Kevin Durant (19), Anthony Davis (12), Kyrie Irving (13), Russell Westbrook (11), Paul George (16), Andre Drummond (14), Bradley Beal (14) at Kemba Walker  (11).  Sina Victor Oladipo at Goran Dragic ay may pito at dalawang puntos habang si LaMarcus Aldridge ay hindi nakaiskor.

Gumawa naman ng parehong 21 puntos sina Damian Lillard at DeMar Derozan para pangunahan ang Team Stephen habang anim sa lineup ang umiskor din ng double digits: Giannis Antetokounmpo (16), Joel Embiid (19), Curry (11), James Harden (12), Klay Thompson (15) at Karl-Anthony Towns  (17). Tumapos naman sina Al Horford, Kyle Lowry at Draymond Green  na may anim, apat, at tatlong puntos.

Matatandaang nadehado pa ang Team Lebron bago ang pagsisimula ng 67th edition ng All-Star Game matapos mawala sa original selection sina Kevin Love, Kristaps Porzingis, John Wall at DeMarcus Cousins dahil sa injuries.

Gaganapin ang susunod na All-Star Game sa Charlotte, North Carolina sa Pebrerro 17, 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending